^

PM Sports

James ‘di pa tiyak kung maglalaro

Pang-masa

INDEPENDENCE, Ohio – Apat na araw na lamang at magbubukas na ang bagong season ng NBA.

Ngunit wala pang ka­­­ti­yakan kung makaka­paglaro si NBA superstar LeBron James para sa Cleveland Ca­valiers.

Hindi pa rin nag-e­-en­sayo si James dahil sa kanyang sumasakit na likod at hindi sigurado kung makikita siya sa ak­syon sa pagsagupa ng Cavaliers sa Chicago Bulls sa Martes.

Tinurukan ang four-time MVP ng anti-in­flam­matory injection sa kanyang likod noong Ok­tubre 13.

Hindi pa siya suma­sa­li sa ensayo dahil hindi pa siya pinapayagan ng medical at training staffs ng Cleveland.

“If everything goes right,” ani James. “We feel like we’re prog­res­sing really well and if we can continue to do that, then I’m optimistic that I’ll be able to go.”

Kamakailan ay sinabi ni Cavs coach David Blatt na si James ay si­guradong maglalaro kon­tra sa Bulls.

Ayon naman kay Ca­valiers general manager David Griffin na maaari nilang ipahinga si James sa kanilang season ope­ner.

“He really wants to compete,” wika ni Griffin kay James.

“I don’t think that there’s any reason that he won’t play on Tuesday. We have no reason to believe that, but we also are of the mindset that it wouldn’t be the end of the world if he didn’t play on Tuesday. We just want him to get better every day.”

ACIRC

APAT

AYON

CHICAGO BULLS

CLEVELAND CA

DAVID BLATT

DAVID GRIFFIN

JAMES

KAMAKAILAN

NGUNIT

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with