^

PM Sports

Tigers kumuha ng playoff sa Final 4

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naipaghiganti ng UST Tigers ang natata­nging pagkatalo matapos paamuin ang nagdedepensang National University Bulldogs, 65-57, sa 78th UAAP men’s basketball ka­gabi sa Mall of Asia Are­na sa Pasay City.

Sina Kevin Ferrer, Ka­rim Abdul at Ed Daquioag ay tumapos taglay ang tig-13 at 10 puntos.

Si Ferrer ay may 10 re­bounds pa upang maisantabi ang 55-54 pagkatalo sa unang pagtutuos sa Bulldogs at pantayang muli ang FEU Tamaraws sa liderato sa 8-1 karta.

Sina Ferrer, Abdul at Daquioag ang nagkapit-bi­sig sa huling 1:01 ng la­banan para hindi maapek­tuhan ng pagdikit ng Bull­dogs sa 56-57 sa buslo ni Rodolfo Alejandro.

Nakatiyak na rin ang Tigers at Tamaraws ng play­off sa Final Four dahil ang NU ay bumaba sa 3-6 karta at ang best fi­nish na puwedeng maitala sa elimination round ay hanggang walong panalo lamang.

Si Gelo Alolino ay may 20 puntos, habang si Alfred Aroga, ang bida sa panalo sa unang pagtutuos, ay may 14 puntos at 17 rebounds ngunit ang bench players ay ma­lamya ang ipinakita sa pinagsaluhang 14 puntos.

Naibalik naman ng Ate­neo Blue Eagles ang ka­nilang angas sa paglala­ro sa 87-72 panalo konra sa Adamson Falcons.

Nagtala ng 20 puntos, 11 assists at 8 rebounds si Kiefer Ravena, habang sina Von Pessumal, Aaron Black at Gwyane Capacio ay may 17, 14 at 13 puntos para putulin ng Ateneo ang dalawang sunod na pag­katalo at makasalong mu­li sa La Salle Green Archers.

Sa ikatlong yugto tuluyang lumipad ang Blue Eagles nang kunin ang 29-17 palitan para lumamang ng 21 puntos, 79-58, at itu­lak ang Falcons sa 1-8 ba­raha.

UST 65 - Abdul 13, Ferrer 13, Daquioag 10, Bonleon 8, Vigil 8, Lao 7, Lee 6, Faundo 0, Sheriff 0, Subido 0.

NU 57 - Alolino 20, Aroga 14, Alejandro 7, Javelona 6, Diputado 4, Celda 2, Salim 2, Tansingco 2, Abatayo 0, Javillonar 0, Morido 0, Neypes 0.

Quarterscores: 20-14; 35-23; 51-40; 65-57.

AARON BLACK

ABDUL

ACIRC

ADAMSON FALCONS

ALFRED AROGA

ANG

BLUE EAGLES

DAQUIOAG

ED DAQUIOAG

FINAL FOUR

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user