^

Manuel muntik nang ‘di sumama sa FIBA 3-on-3 World Tour Finals

(Pang-masa) - October 12, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Makakasama ng Manila North team si Vic Manuel na aalis ngayong gabi patungong Abu Dhabi para lumaban sa FIBA 3-on-3 World Tour Final.

Nagpaalam noong Linggo sa Samahang Basketbol ng Pilipinas na hindi siya makakasama dahil sa problema sa pamilya ngunit nagbago ang kanyang isip para manatiling buo ang team na pangungu-nahan ni Calvin Abueva kasama sina Troy Rosario at Karl Dehesa.

“Sir, I’m joining the trip. My apologies for the concern I caused. I’m ready to fight for the country,” sabi ng text ni Manuel  kay Samahang Basketbol ng Pilipinas executive director Sonny Barrios kagabi.

Kinokonsidera ng Samahang Basketbol ng Pilipinas si Asi Taulava na ipalit kay Manuel ngunit kasalukuyan itong nasa Cagayan De Oro kasama ang kanyang PBA mother ball club para sa kanilang team-building session.

“We looked for a replacement for two days and we couldn’t find one,” sabi ni Barrios. “I’m glad Vic reconsidered, putting into consideration the fact that he’s not just playing for himself or his ball club but the country.”

Tangka ng koponan na higitan ang tinapos na fifth place ng Team Phl sa Sendai, Japan noong nakaraang taon.

Nakuha ng Manila North ang slot sa Dubai World 3x3 final matapos mag-runner-up sa Novi Sad sa Manila leg noong August.

Kasama ng Manila North ang Doha, Qatar at Kranj, Slovenia sa Pool D.

Kailangang tumapos ang mga Pinoy sa top-two para umabot sa knockout stage.

Sina Beau Belga, Ian Sangalang at Cliff Hodge ang iba pang PBA players na ikinonsiderang pumalit kay Manuel pero nag-ala-nganin din  si Barrios kung papayagan ito ng kanilang mga mother teams nga-yong magbubukas na ang PBA wars sa Linggo.

“It’s so risky if I let Calvin Abueva, Troy Rosario and Karl Dehesa to play without a fourth guy. They would be at risk of suffering injury,” ani Barrios.

ABU DHABI ACIRC ANG ASI TAULAVA CAGAYAN DE ORO CALVIN ABUEVA CLIFF HODGE MANILA NORTH MANUEL PILIPINAS SAMAHANG BASKETBOL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with