^

PM Sports

Sports Industry Conference ngayon

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon ang Philippine Sports Commission (PSC) na maipakita ang sports sa ibang sektor na puwedeng makatulong.

Ngayong umaga sa New World Hotel ay gagawin ang kauna-unahang Sports Industry Conference na paunang aktibades na magsisimula sa ganap na ika-9 ng umaga hanggang ika-2:30 ng hapon.

Sa gabi ay isasagawa ang Sports Industry Awards sa 10 individual categories at pinaglalabanan ng kabuu­ang 168 entries mula sa 10 bansa sa South East Asia.

Ang kambal na kaganapan ay inorganisa ng MMC Sportz at Sport360 at ito ay may basbas ng PSC at Philippine Olympic Committee (POC).

Si Eric Cottschalk, CEO ng MMC Sportz, ang siyang maghahatid ng opening speech at si PSC chairman Ricardo Garcia ang tinokahan sa welcome speech.

Ang PSC rin ang magpapaliwanag hinggil sa sports landscape ng bansa at pag-uusapan dito ang mga nangyayari sa palakasan ng bansa at ang planong hos­­ting sa 2019 Southeast Asian Games.

“This is the first time that SPIA is holding the event in the Philippines and this will help elevate the awareness in the sports industry and recognize their contributions to the deve-lopment of sports,” wika ni PSC executive director Atty. Guillermo Iroy Jr.

Kasama naman sa na­kikipagtagisan para sa mga awards na ipamamaha­gi ay ang  Gilas FIBA World Cup ng Smart Communication para sa Best Sports Marketing Campaign.

Ang iba pang awards na ipamimigay ay sa lara­ngan ng  Sports and Recre­ation Facility of the Year, Best Use of Social Media in Sport, Best Sports Youth Program at iba pa.

ACIRC

ANG

BEST SPORTS MARKETING CAMPAIGN

BEST SPORTS YOUTH PROGRAM

BEST USE OF SOCIAL MEDIA

FACILITY OF THE YEAR

GUILLERMO IROY JR.

NEW WORLD HOTEL

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with