Shakey’s V-League season 12 Collegiate Conference Ateneo Spikers vs NU sa finals
(Pang-masa) - September 16, 2015 - 10:00am

Laro SA Sabado (The Arena, San Juan City)

12:45 P.M. – UST VS FEU (Battle For Third)

MANILA, Philippines – Nakabuti ang ilang araw na pamamahinga sa Ateneo Lady Eagles dahil bumalik ang angas ng kanilang paglalaro para kunin ang 25-18, 25-18, 25-19 straight sets panalo sa UST Tigresses sa ikatlo at huling laro sa semifinals sa Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Hindi nangyari ang inakalang klasikong labanan ng Ateneo at UST dahil may diin uli ang laro ng Lady Eagles para ma-ngailangan lamang ng isang oras at 24 minuto para angkinin ang 2-1 bentahe sa best-of-three series.

“Coach Tai (Bundit) lifted our spirits by staying positive with us. We were down pero pinasaya niya kami  because of his confidence with us,” wika ng setter na si Gizelle Tan na may 17 excellent sets.

Si  Alyssa Valdez ang nanguna uli sa kanyang 19 puntos mula sa 16 kills at dalawang aces pero gumana ang mga laro ng mga matatangkad na players na sina Bea De Leon at Amy Ahomiro na naghati sa 18 puntos.

May limang block si De Leon habang si Ahomiro ay may tatlo para dominahin ng Lady Eagles ang departamento, 9-3.

Sa isang tagpo sa third set ay limang blocks ang ginawa ng Ateneo para hawakan ang 19-8 bentahe na tuluyang kumumpleto sa straight sets panalo.

Ang tagumpay ay naglinya sa koponan sa best-of-three championship showdown laban sa National University Lady Bulldogs na agad dumiretso sa yugto sa 2-0 sweep sa dating kampeong FEU Lady Tamaraws.

Bagsak ang Tigresses sa battle-for-third na isa ring best-of-three series. (AT)

ALYSSA VALDEZ AMY AHOMIRO ANG ATENEO ATENEO LADY EAGLES BATTLE FOR THIRD BEA DE LEON COACH TAI COLLEGIATE CONFERENCE LADY EAGLES SAN JUAN CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with