PBAPC Annual Awards ngayong gabi
(Pang-masa) - September 15, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Muling babalikan ng Philippine Basketball Association Press Corps sa huling pagkakataon ang nakalipas na PBA season sa pagpaparangal sa mga individual achievers at personalidad sa Annual Awards Night ngayong gabi sa Century Park Hotel.

Pangungunahan ni Leo Austria ng San Miguel  ang 12 awardees sa kanyang pagtanggap sa Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year trophy matapos tulungan ang Beermen sa dalawang conference championships.

Si Austria ang ika-12 coach na tatanggap ng nasabing award na ipina-ngalan sa legendary coach na tinawag nilang ‘The Maestro’ para sa kanyang unang Coach of the Year trophy na sini-mulang ibigay ng PBAPC noong 1993.

Ang formal affair na inihahandog ng Smart Sports ay magsisimula sa alas-7 ng gabi at  tatayong host sina Sev Sarmenta at Patricia Bermudez-Hizon.

Igagawad naman kay dating chairman at Talk ‘N Text alternate governor Patrick Gregorio ang Danny Floro Exe-cutive of the Year award na ipinangalan sa dating Crispa team owner.

Ang bagong PBA Commissioner na si Chito Narvasa ang magiging special guest speaker.

Hihirangin naman sina June Mar  Fajardo bilang Gerry’s Grill-Defensive Player of the Year, si Alex Cabagnot ang William ‘Bogs’ Adornado Comeback Player of the Year at makukuha nina Calvin Abueva at Paul Lee ang Mr. Quality Minutes at Order of Merit trophy, ayon sa pagkakasunod.

Si Terrence Romeo ang kinilalang Scoring Champion, habang ang All-Rookie Team ay binubuo nina Stanley Pringle, Chris Banchero, Jericho Cruz, Matt Ganuelas-Rosser at Jake Pascual.

ACIRC ADORNADO COMEBACK PLAYER OF THE YEAR ALEX CABAGNOT ALL-ROOKIE TEAM ANG ANNUAL AWARDS NIGHT CALVIN ABUEVA CENTURY PARK HOTEL CHITO NARVASA CHRIS BANCHERO COACH OF THE YEAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with