Laban ni Rousey kay Holm inilipat sa November 15
(Pang-masa) - August 29, 2015 - 10:00am

LOS ANGELES — Mula sa Enero ng 2016 ay na­paaga ang pagdedepensa ni UFC bantamweight champion ‘Rowdy’ Ronda Rousey laban kay Holly Holm.

Maglalaban sina Rousey at Holm sa Nobyembre 15 sa Melbourne, Australia.

Nauna nang itinakda ang laban nina Rousey at Holm sa Enero 2, 2016 sa Las Vegas, Nevada.

Ngunit nagkaroon ng thumb injury si UFC welter­weight champion Robbie Lawler kaya nabago ang is­kedyul ng UFC.

Itataya sana ni Lawler ang kanyang titulo kontra kay Carlos Condit sa main event ng UFC 193 sa Etihad Stadium sa Melbourne, Australia.

Dahil sa pagkakaroon ng injury ni Lawler ay na­paaga ang paghaharap nina Rousey (12-0) at Holm (9-0), ang boxing champion mula sa New Mexico.

Tinalo ni Rousey ang kanyang tatlong kalaban sa pi­nagsamang 64 segundo kung saan ang huli ay nang pasukuin niya si Brazilian challen­ger Bethe Correia sa loob lamang ng 34 segundo no­ong Agosto 1.

ACIRC ANG BETHE CORREIA CARLOS CONDIT ENERO ETIHAD STADIUM HOLLY HOLM LAS VEGAS LAWLER NEW MEXICO ROUSEY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with