Rivera, Del Rosario pasok sa World Cup
(Pang-masa) - July 24, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Ipinakita ang kanilang husay at malawak na eksperyensa, muling pinamunuan nina dating world FIQ titlist Biboy Rivera at veteran internationalist Liza del Rosario ang World Cup national championship noong Huwebes sa SM North EDSA.

Dahil dito ay nabigyan sina Rivera at Del Rosario ng pagkakataong puntiryahin ang BWC international titles sa ikalawang sunod na taon.

Tinalo ng 41-anyos na si Rivera si ex-Asian Youth Masters king Kenneth Chua, 2-1 (235-179, 194, 199, 266-205), sa men’s division, habang dinaig ng 37-anyos na si Del Rosario si Alexis Sy, 2-1 (238-215, 187-213, 245-197) sa ladies’ competition.

Kapwa nagtapos sina Rivera at Del Rosario sa pang-apat na puwesto sa BWC international finals sa Wroclaw, Poland noong 2014.

Nangako ang dalawa na pipiliting maiuwi ang mga titulo sa bansa sa pagharap sa mga kampeon mula sa higit sa 60 nasyon sa Sam’s Town sa Las Vegas, Nevada sa Nobyembre 13-20.

 “We’re so happy,” sabi nina Biboy at Liza. “We aim to win the international crown this time.  But we need the prayers and support of our countrymen.”

Pinadapa ni Rivera, pumangalawa matapos ang 8-game position round sa kanyang 7280 sa likod ng 7498 ni Chua, si Benshir Layoso, 2-1 (180-162, 181-256, 235-202), habang winalis ni Del Rosario, pumangatlo makaraan ang position round sa kanyang 5747 sa likod nina Sy (5856) at Krizziah Tabora (5803), si Tabora sa dalawang laro, 195-165, 193-191, sa semifinals.

Tanging sina Paeng Nepomuceno, CJ Suarez, Lita dela Rosa at Bong Coo ang nagkampeon sa World Cup, ngunit si Nepomuceno lamang ang hinirang na four-time kingpin.

ACIRC ALEXIS SY ANG ASIAN YOUTH MASTERS BENSHIR LAYOSO BIBOY RIVERA BONG COO DEL ROSARIO KENNETH CHUA RIVERA WORLD CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with