Nietes, Donaire umiskor ng TKO win

ATan (Pang-masa) - March 29, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Napagtiyagaan ni Don­nie ‘Ahas’ Nietes si Gil­berto Parra ng Mexico para pamunuan ang pana­lo ng mga Filipino bo­xers sa ‘Pinoy Pride 30: D-Day’ noong Sabado ng gabi sa Smart Araneta Co­liseum.

Ginamit ni Nietes ang mabangis na jabs para pa­lambutin si Parra tungo sa ninth round technical knockout win para sa ma­tagumpay na pagdedepensa sa WBO light flyweight title.

Ang one-two combination ni Nietes na tinapos niya sa right straight sa eight round ang nagpa­bagsak sa Mexican challenger.

Dala ngayon ni Nietes ang 35 panalo sa 40 laban, kasama ang 21 KOs.

Ang labang ito ay tune-up fight niya para sa man­datory title defense laban kay Francisco Rodriguez ng Mexico sa Hulyo 4 sa Cebu City.

Nakapagpasikat din ang dating five-division world champion na si No­nito Donaire Jr. nang umis­kor ng second round technical knockout win kay William Prado ng Bra­zil para angkinin ang WBC NABF super bantamweight title.

Sa ikalawang round ay ipi­natikim ni Donaire ang mababangis na kamao na tumagos sa inakalang ma­tigas na depensa ng Brazilian boxer.

Tatlong matitinding ka­liwa na tumama sa ulo ni Prado ang nagtulak kay referee Bruce McTavish na itigil ang bakbakan sa 2:16 sa second round.

Nagwagi rin si ‘Prince’ Albert Pagara sa pag­dedepensa niya sa kan­yang IBF Inter-Con­ti­nental light feather­weight title sa pamama­gi­tan ng sixth round tech­nical knockout win la­­ban kay Ro­­dolfo Hernandez ng Me­xico.

Lumabas na nagkaro­on ng right hand injury si Hernandez para maipag­ka­loob kay Pagara ang kanyang ika-23 sunod na panalo, kasama dito ang 16 KOs.

ACIRC ALBERT PAGARA ANG CEBU CITY DONAIRE JR. FRANCISCO RODRIGUEZ HERNANDEZ NIETES PARRA PINOY PRIDE SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with