Pinoy Pride 30 D-day Reputasyon nakataya sa laban ng Pinoy boxers
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - March 28, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Itataya ngayong ga­­­bi ang mataas na re­­pu­­­­tasyon nina Don­ni­e Ni­­e­tes at Nonito Do­nai­re Jr. laban sa dalawang determinadong ka­­tunggali sa Pi­noy Pride 30 D-Day sa Smart Araneta Coliseum.

Kaharap ni Nietes si Gilberto Parra ng Me­xico para sa suot na WBO light flywweight title habang si Donaire ay masusukat kay William Prado ng Brazil para sa bakanteng WBC NABF  su­per bantamweight crown.

Walang naging prob­­lema sa mga tim­bang ng apat na mag­lalaban na tampok na laban sa 72-round fight card na handog ng ALA Promotions katuwang ang ABS-CBN.

Parehong tumimbang sina Nietes at Parra sa eksaktong 108-pounds habang sina Donaire at Prado ay nasa 122-pounds sa weigh-in kahapon sa Big Dome.

May 34 panalo sa 39 laban, kasama ang 20KOs, si Nietes at ipamamalas niya ang pormang naglagay sa kanya bilang kam­peon ng prestihiyosong Ring Magazine.

“Hindi siya ang ori­hi­nal na kalaban ko pero hindi kami nag­pabaya sa ensayo dahil lahat ng kilos niya ay pinag-aralan namin,” tiniyak ni two-division champion na si Nietes.

Maging si Parra na may 19 panalo sa 22 laban, kasama ang 17KOs, ay hindi nababahala sa labang ito.

Mas mataas ng ka­unti si Parra kay Nie­tes at ito ang sisik­a­pin niyang gamitin para maagaw ang ti­tulo.

“I’m taller than him and I will try to use my distance to win this fight,” wika ni Parra na nasa u­nang pagkakataon na la­laban sa labas ng Mexico.

Sa kabilang banda,  determinado si Do­­­naire na ipakita na kaya pa niyang ma­­­ibalik ang dating magandang estado na  nabura matapos ang sixth round knockout na pagkatalo kay Nicholas Walters ng Jamaica noong Oktubre.

Ito ang kauna-una­hang knockout loss sa career ni Do­naire  para mahubad din ang dating su­ot na WBA World Featherweight title.

“I’ve gone a long way since my last fight. For this fight, I will be fighting an intelligent fight,”wika ng 32-anyos na si Do­naire.

Magsisilbing pang­himagas nina Donaire at Nietes ay ang salpukan nina Albert Paraga at Rodelfo Hernandez ng Mexico para sda IBF Inter-Continental Jr. Featherweight championship at Ryo Akaho ng Japan at Prosper Ankrah ng Gha­na para sa WBO In­ternational supper ban­tamweight title. (AT)

ALBERT PARAGA BIG DOME DONAIRE GILBERTO PARRA INTER-CONTINENTAL JR. FEATHERWEIGHT NICHOLAS WALTERS NIETES PARRA SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with