Malaki ang tsansa ng Pinas sa FIBA World Cup hosting
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - March 19, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Sa pagpili ng FIBA, ang international basketball federation, sa Asya bilang lugar ng pagdarausan ng 2019 World Cup, may nakikitang tsansa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas para i-host ang nasabing event.

Maliban sa Pilipinas, ikinukunsidera rin ng FIBA Executive Committee ang China bilang host ng bigating torneo.

“We are honored that the FIBA Executive Committee has chosen Asia as the site of the 2019 FIBA WORLD CUP, shortlisting the Philippines together with our esteemed Asian brother, China,” pahayag ng SBP sa ilalim ni president Manny V. Pangilinan.

Apat hanggang limang playing venues ang sinabi ng FIBA na dapat pagdausan ng mga laro ng 2019 World Cup na lalahukan ng 32 bansa sa unang pagkakataon matapos ilun-sad noong 1950.

Maaaring gamitin ng SBP para sa event ang Philippine Arena, Smart Araneta Coliseum, Mall of Asia Arena at ang mga kinukumpleto pang Solaire Arena at SM Cebu Arena.

“We shall endeavor to put our best foot forward as we work on the fina-lization of our bid offer. We thank everyone, including our friends from sports media, who helped SBP make a positive impression with the FIBA Evaluation Commission during their visit in Ja-nuary,” wika ng SBP.

Kung papalaring mapili bilang host ng 2019 FIBA World Cup, awtomatikong makakapaglaro ang Gilas Pilipinas sa naturang event.

Tinalo ng Pilipinas at China para ikunsidera sa hosting rights ang Turkey, Qatar, Germany at France.

Sa 17 pagdaraos ng FIBA World Cup, pito ang ginawa sa South America, lima sa Europe, tatlo sa North America at dalawa sa Asia.

Ang mga bansang dalawang beses nang nag-host ng event ay ang Argentina (1950 at 1990), Brazil (1954 at 1963) at Spain (1986 at 2014).

Sa Asia, pinamahalaan ito ng Pilipinas noong 1978, habang ang Japan ang naging host noong 2006.

Ang Europe ang nagdaos ng huling dalawang World Cups at ito ay sa Turkey noong 2010 at ang Spain noong 2014.

Matapos isumite ng SBP ang final candidature file sa FIBA para sa deadline sa Abril 30, ang susunod na deadline ay sa Mayo 31 para sa nilagdaang Host Nation Agreement at guarantees.

Ang Pilipinas at ang China ay magkakaroon ng 20-minute presentation sa harap ng FIBA Central Board sa Switzerland sa Hunyo. (RC)

ANG EUROPE ANG PILIPINAS CEBU ARENA CENTRAL BOARD EVALUATION COMMISSION EXECUTIVE COMMITTEE FIBA GILAS PILIPINAS PILIPINAS WORLD CUP
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with