Torre at Barbosa may tsansa sa tiket sa 2015 World Cup
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - March 15, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Pinalakas nina Filipino Grand Masters Eu­gene Torre at Oliver Bar­bosa ang kanilang tsan­sang makalaro sa 2015 World Cup.

Ito ay matapos mag­rehistro ng magkahiwa­lay na panalo sina Torre at Barbosa para ma­ki­sos­­yo sa ikatlong pu­wes­to sa eighth round ng Asian Zonals 3.3 Championship sa Ho Chi Minh, Vietnam ka­ha­pon.

Pinabagsak ng 65-anyos na si Torre si FIDE Master Le Tuan Minh sa marathon 95-move victory ng Bogo-Indian Defense.

Tinalo naman ni Bar­­bosa ang kababa­yang si GM Richard Bitoon sa 77 moves ng Trompovsky Opening pa­ra makasama sa four-way tie sa No. 3 sa magkakapareho nilang 5.5 points.

Ang mahalaga dito ay nanatili sa kontensyon sina Torre at Bar­bo­sa para sa huling da­lawang tiket sa World Cup na nakatakda sa Set­yembre 10 hanggang Ok­tubre 4 sa Baku, Azer­baijan.

Para mangyari ito, dapat talunin nina Torre at Barbosa sa final round sina Vietnamese GM Le Quang Liem at Nguyen Ngoc Truong Son, ayon sa pagkakasunod.

Nangunguna si Le, ti­nalo si Filipino GM Dar­win Laylo sa 33 moves ng King’s Indian De­fense, mula sa kanyang 7.0 points para ma­kamit ang tiket patungo sa Baku.

Nasa ikalawang posisyon si Nguyen sa kan­yang 6.0 points.

Sinamantala ng top-seeded na si Le, isang Webster University standout, ang mahinang si­mula ni Laylo para mag­­lunsad ng kingside attack at angkinin ang panalo.

Bunga ng kabiguan, tuluyan nang nasibak ang 35-anyos na si Laylo ng Marikina City.

Binigo ni In­ter­na­tional Master Ro­lando Nolte si Tran Ngoc Lan ng Vietnam para sa kanyang 4.5 points.

ASIAN ZONALS BARBOSA BOGO-INDIAN DEFENSE FILIPINO GRAND MASTERS EU HO CHI MINH INDIAN DE LAYLO SHY WORLD CUP
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with