May misyon si Nietes sa Pinoy Pride 30
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - March 3, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Hangad ni Donnie “Ahas” Nietes na mapanati-ling suot ang kanyang WBO light flyweight title sa pagsagupa kay Mexican challenger Gilberto “Parrita” Parra sa Pinoy Pride 30 sa Marso 28 sa Smart-Araneta Coliseum.

Nanggaling sa seventh round knockout kay Carlos Velarde sa Pinoy Pride 29 sa Waterfront sa Cebu noong nakaraang taon para sa kanyang 34-1-4 (win-loss-draw), sinabi ni Nietes na pipilitin niyang palawigin ang pitong taon niyang paghahari.

“Siyempre, gusto ko ng knockout win,” sabi ng 32-anyos na si Nietes sa press conference sa Gloria Maris sa Gateway Mall sa Quezon City.

Kasalukuyang dala ni Parra ang 19-2-0 record, kasama ang 17 knockouts.

Itatampok din sa Pinoy Pride 30 ang laban ni dating five-division champion Nonito “The Flash” Donaire, Jr. kay William Prado ng Brazil.

Nakalasap si Donaire ng sixth round knockout loss kay Jamaican Nicholas Walters sa Carson, California noong nakaraang Oktubre.

Tangan naman ni Prado ang kanyang 22-4-1 slate.

Ito ang unang pagkakataon na muling lalaban sa bansa si Donaire matapos patulugin si American Raul Martinez sa fourth round anim na taon na ang nakakalipas sa Big Dome.

“I learned a valuable lesson from the previous fight, learned the hard way, learned patience is a virtue for my style, learned to listen to my dad, learned to listen to my corner,” ani Donaire.

“You’ll see a much more smart, faster, intelligent, patient Nonito Donaire,” dagdag pa nito.

Nasa boxing card din ang laban ni “Prince” Albert Pagara kay Mexican Rodolfo “Fofo” Hernandez para sa IBF Intercontinental Junior Featherweight bout.

Maghaharap naman sina Japanese Ryo Akaho at Ghanan Prosper Ankrah at sasagupain ni Filipino AJ “Bazooka” Banal si Indonesian Junior Bajawa.

ALBERT PAGARA AMERICAN RAUL MARTINEZ BIG DOME CARLOS VELARDE DONAIRE GATEWAY MALL GHANAN PROSPER ANKRAH NIETES PINOY PRIDE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with