Dumating si Donaire
RCadayona (Pang-masa) - March 2, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Gagawin ni dating world champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. ang pinakahuling bahagi ng kanyang pagsasanay sa pagharap kay William Prado sa isang non-title fight sa Marso 28 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Dumating sa bansa kahapon ng umaga ang 31-anyos na si Donaire kasama ang father/trainer na si Nonito, Sr.

“It’s a good flight and of course, excited na ako na we’re finally here to train and fight,” wika ni Donaire sa una niyang paglaban sa harap ng kanyang mga kababayan matapos noong Abril ng 2009.

Mula sa Maynila ay magtutungo ang Team Donaire sa Cebu City para sa kanyang pagsasanay sa ALA Boxing Gym.

“In terms of training, ready na kami. Finishing up na lang in ALA Gym in Cebu, to finalize the training. But aside from that, okay na ‘yung training namin,” wika ng tubong Talibon, Bohol.

Hangad ni Donaire na makabangon mula sa kanyang knockout loss kay Jamaican world featherweight titlist Nicholas Walters noong Oktubre ng nakaraang taon.

Magbabalik si Donaire sa super bantamweight division makaraang lumaban ng tatlong beses sa featherweight class kung saan siya nahirapan laban sa mas malalaki niyang katunggali.

Bukod kay Donaire, itatampok din sa Pinoy Pride 30 card ang pagdedepensa ni Donnie ‘Ahas’ Nietes ng kanyang WBO light-flyweight belt kontra kay Mexican challenger Gilberto Parra.

BOXING GYM CEBU CITY DONAIRE FILIPINO FLASH GILBERTO PARRA MALL OF ASIA ARENA NICHOLAS WALTERS NONITO PASAY CITY PINOY PRIDE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with