Tryouts para sa national team na isasabak sa SEAG
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - February 4, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hinihikayat ni Phi­lip­pine women’s basket­ball team head coach Patrick Henry Aquino, tu­mulong sa National Uni­versity Lady Bulldogs sa pagkopo sa titulo ng UAAP women’s tournament, ang mga wo­men cagers na sumali sa tryouts para sa natio­nal squad.

Bubuksan ni Aquino ang tryouts ngayong alas-5 ng hapon sa 3rd floor ng SGS Building at 1335 Araneta Ave., Ba­rangay Sto. Domingo sa Quezon City.

Ang mga tryouts ay nakatakda sa Pebrero 7, 9, 10 at 11 sa ganap na alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Ang mga interesado ay maaring tumawag sa 0917-8686234 para sa iba pang detalye.

Ang mga automatic can­didates ay ang mga players mula sa national pool ni dating head coach Haydee Ong.

Hangad ni Aquino na makumpleto ang isang 12-player lineup na isa­sabak sa darating na Southeast Asian Basketball Association (SEABA) tournament at sa Southeast Asian Games sa Singapore.

Mula sa higit sa 40 players, sinabi ni Aquino na ito ay magiging 20 kasunod ang paghahayag ng Final 12.

Inilatag na ni Aquino ang mga tuneup games sa Thailand sa Marso 28 hanggang Abril 4 para sa mabubuong koponan.

AQUINO ARANETA AVE HAYDEE ONG LADY BULLDOGS NATIONAL UNI PATRICK HENRY AQUINO QUEZON CITY SHY SOUTHEAST ASIAN BASKETBALL ASSOCIATION
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with