^

Money Talks bumandera sa Special Maiden Race

ATan (Pang-masa) - February 2, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nagpakilala ang kabayong Money Talks nang pangunahan ang 2015 PCSO Special Maiden Race 3YO Open noong Sabado sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Si Reynaldo Niu Jr. ang siyang gumabay sa tatlong taong kabayo sa 1,400-metrong karera at gi­nulat ng tambalan ang mga paborito nang maka­pagdomina sa karera.

Ang Mccartney sa pagdiskarte ni Fernando Ra­quel Jr. ang siyang paborito sa karerang sinalihan ng 11 kabayo dahil ang sinakyan ang siyang nanalo sa PCSO Trial race.

Sa unang yugto ng karera nakaporma ang nasa­bing kabayo pero nang humataw na ang Money Talks ay nawala ito sa eksena at tumapos lamang sa ikaapat na puwesto.

Naunang nakuntento ang Money Talks sa pang-apat na puwesto sa alisan pero sa far turn ay kinuha ang li­derato sa Mccartney.

Humabol ang dating nasa ikatlong puwesto na Diamond’s Best sa pagdiskarte ni Val Dilema pe­ro sapat ang naipundar na halos dalawang dipa ng na­ngungunang kabayo para makuha ang panalo.

Sinahugan ng nagpakarera na Philippine Chari­ty Sweepstakes Office (PCSO) ng P1 milyong prem­yo ang stakes race at ang connections ng Mo­ney Talks ay nagkamit ng P600,000.00 gantimpala.

Natuwa rin ang mga naniwala sa kakayahan ng nagwaging kabayo dahil tumama sila ng P198.50 dibidendo sa win.

Ang pagsegundo ng Diamond’s Best, ang second choice sa ben­ta­han, ay nagresulta sa magandang P1,835.00 sa 11-9 forecast.

Nagkampeon naman ang Candy Crush sa PSCO Special Handicap Race na pinaglabanan sa 1,400m at suportado pa ng PCSO.

Si Fernando Raquel Jr. ang hinete ng kabayo na nakitaan ng lakas sa pag­remate para maisan­tabi ang pagkakalagay sa pang-limang puwesto sa alisan.

Sa huling 600-metro ay naka­pasok ang kabayo sa hu­ling 150 metro ay nasa una­han na ba­go tuluyang ini­wanan ang mga katunggali.

Nakaremate rin ang Unica Champ sa pagdis­karte ni JD Juco para maitulak sa pangatlong pu­­westo ang naunang lu­­mamang na Power Over na ginabayan ni RC Baldonido.

Nasa P9.00 ang ibi­nigay sa win, habang ang forecast na 4-3 ay pu­­malo sa P18.00.

ANG MCCARTNEY CANDY CRUSH FERNANDO RA KABAYO MONEY TALKS PHILIPPINE CHARI POWER OVER SAN LAZARO LEISURE PARK SHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with