^

ASEAN University Games 1 pang gold hatid ng Ateneo taekwondo jins

(Pang-masa) - December 13, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nagningning ang taekwondo jins ng Team UAAP-Philippines sa pagtatapos ng tatlong araw na taekwondo competition ng 17th ASEAN University Games  nitong Huwebes sa Palembang, Indonesia.    

Naghari si University of Santo Tomas standout Aries Capispisan sa men’s 80 kg. category matapos igupo si Mohamad Akmad Omar ng Malaysia  habang iginupo ng Shiryl Badol ng National University si Indonesian Sribuena Resmol para pangunahan ang women’s 53 kg. event.      

Dagdag ito sa ibinigay ng Ateneo taekwondo mainstay na si Aaron Agojo  na gold mula sa men’s 58 kg.       

Ang unang gold ng Team UAAP ay galing sa poomsae mixed pair nina Rodolfo Reyes at Jocel Ninobla ng University of Santo Tomas noong Martes.       

May dalawa pang silver medals na nakuha kahapon sina  Korina Paladin ng UST at Arven Alcantara ng NU bukod pa sa bronze ni  Joel Alejandro  ng Ateneo.

Sa kabuuan, ang Team UAAP Philippines ay mayroon nang apat na golds, four silvers at four bronze  sa likod ng Thailand na may walong golds, tatlong silvers at tatlong bronzes.

Nasa ikatlong puwesto ang host Indonesia  sa final taekwondo standings sa kanilang 3-5-3 gold-silver-bronze medals na produksiyon.

Nahigitan  na ng Team UAAP-Philippines ang kanilang dalawang gintong produksiyon noong 2012 sa Laos na galing din sa taekwondo.         

Ginanap ang AUG opening ceremony  kahapon sa Stadium Sriwijaya Jakabaring Palembang na pinangunahan ni Indonesia vice president Yusuf Kalla tampok ang pagsisindi ng AUG 2014 torch at nagkaroon ng makulay na dance presentation na tinapos ng fireworks display na nagpaliwanag sa kalangitan ng Palembang.       

Ang palarong ito para sa mga student athletes ay hanggang Dec. 21 kung saan 20-sport ang paglalabanan.

AARON AGOJO ARIES CAPISPISAN ARVEN ALCANTARA ATENEO INDONESIAN SRIBUENA RESMOL JOCEL NINOBLA JOEL ALEJANDRO KORINA PALADIN UNIVERSITY OF SANTO TOMAS
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with