^

Top billiards players sasali sa Phl Open 10-Ball, dadalo rin sa birthday ni Manny

(Pang-masa) - November 12, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nagkumpirma na ng paglahok ang 11 sa top 20 billiards players sa buong mundo sa Philippine Open 10-Ball Championships na nakatakda sa Disyembre 8-16 sa SM City Mall sa General Santos City.

Pamumunuan nina World No. 2 Shane van Boe-ning, No. 3 Chang Yu Lung ng Taipei at No. 4 Dennis Orcollo ng Pilipinas, inaasahang mapapanood ang mataas na antas ng bilyar sa tuna capital ng mundo.

Dumami na ang mga partisipanteng nagpapalista para sa torneong may premyong $150,000.

Puntirya naman ni GenSan Tuna Festival Pacman Cup champion Thorsten Hohmann ng Germany, ang World No. 7, ang kanyang ikalawang sunod na singles division sa torneo na may  $50,000 premyo.

Si Manny “Pacman” Pacquiao ang gumawa ng paraan para mabuo ang prize money ng torneo na kasunod ng kanyang kaarawan sa December 17 kung saan inimbitahan niya ang lahat ng kanyang kaibi-gang billiards players.

Hindi pa nagkukumpirma si World No. 8 Li Hewen ngunit tiyak na magpapadala ang China ng kanilang mga best players para tapatan ang mga Pinoy sa pamumuno nina world No. 9 Carlo Biado, No. 10 Johann Gonzales Chua, No. 17 Lee Van Corteza, No. 19 Jeffrey Ignacio, No. 20 Warren Kiamco at No. 21 Elmer Haya.

Makakasabayan nila sina multi-titled at Finland world champion Mika Immonen, ang World No. 13, bukod kina Francisco ‘Django’ Bustamante at Efren ‘Bata’ Reyes, ang No. 36 at No. 37, ayon sa pagkakasunod.

BALL CHAMPIONSHIPS CARLO BIADO CHANG YU LUNG CITY MALL DENNIS ORCOLLO ELMER HAYA GENERAL SANTOS CITY JEFFREY IGNACIO JOHANN GONZALES CHUA WORLD NO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with