Cagayan at Systema puntirya ang kanilang mga korona
ATan (Pang-masa) - November 9, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Handang ipakita ng Ar­my Lady Troopers ang de­terminasyon na maging kampeon uli sa Shakey’s V-League sa pagpigil sa inaasahang malaking se­lebrasyon ng Cagayan Val­ley Lady Rising Suns sa Game Two ng women’s finals sa Season 11 Third conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Nalalagay sa matin­ding hamon ang Army da­­hil natalo sila sa Game One ng Cagayan,  23-25, 25-20, 21-25, 18-25, sa unang pagkikita noong na­karaang Linggo sa ka­nilang best-of-three series sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Sa ganap na alas-2:45 ng hapon magsisimula ang laro at ang tangkang krusyal na panalo ay gagawin ng Lady Troo­pers na wala ang dala­wang importanteng man­la­laro sa kanilang rota­tion.

Sina 6-foot-2 Dindin Santiago at Carmina Aganon ay hindi makakapag­laro sa Army dahil sabay na kakampanya ang kopo­nan at ang mother team sa isang commercial volleyball league na maglalaro rin ngayong hapon.

“Maaaring maging bles­sing in disguise ito sa amin. Ang hamon ay nasa mga beterana namin na ipakitang kaya nilang dalhin ang koponan,” wika ni Army head coach Rico de Guzman.

Sina Jovelyn Gonzaga, Rachel Ann Daquis, Mary Jean Balse, Nerissa Bautista, Christine Agno at Ti­na Salak na mga nagtulong nang igupo ang Lady Rising Suns sa Open Conference ang mga aasahan.

Ngunit mas malakas ang Cagayan ngayon dahil sa paghugot kina Thai imports Amporn Hyapha at Patcharee Saengmuang katulong sina setter Chie Saet at Aiza Maizo-Pontillas na siyang MVP ng li­ga.

Bago ang larong ito na suportado ng Accel at Mikasa at mapapanood nang LIVE sa GMA News TV, ay sasalang muna ang Sys­tema Active Sma­shers laban sa Instituto Estetico Manila Volley Masters sa alas-12:45 sa men’s finals.

Ang Systema ang may hawak ng 1-0 kalamangan ngunit asahan na mas magiging palaban ang IEM para mapaabot sa ‘do-or-die’ ang serye. 

ACTIVE SMA AIZA MAIZO-PONTILLAS AMPORN HYAPHA ANG SYSTEMA CAGAYAN VAL CARMINA AGANON CHIE SAET LADY RISING SUNS SHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with