Sabido naka-gold sa world poomsae
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - November 4, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nagbida si Jean Pierre Sabido sa freestyle male individual over-17 event para sa pangatlong gintong medalya ng Team Philippines sa 9th WTF World Taekwondo Poomsae Championships na nagwakas sa Aguascalientes, Mexico noong Linggo.

Nagposte si Sabido, miyembro ng koponang naghari sa recognized poomsae men’s team over-30 division ng 7.580 points para ibulsa ang gold medal sa freestyle poomsae nang talunin si Trung Dhuoc Dai Nguyen (7.360) ng Vietnam.

Ang naturang tagumpay ni Sabido ang humirang sa kanya bilang male Most Valuable Player sa freestyle poomsae category sa nasabing 46-nation meet na tumagal ng apat na araw.

Si Adalis Muñoz ng United States ang nakakuha ng MVP honors sa women’s division ng FS poomsae, habang sina Korean Kwang Ho Park at Mexican Olin Yolistan Median Lopez ang tinanghal na male at female MVPs, ayon sa pagkakasunod sa recognized poomsae play.

Iuuwi ni Sabido ang dalawang gintong medalya, ang una ay nang manalo sa recognized poomsae men’s team kasama sina Glenn Lava at Ernesto de Guzman, Jr.

Kumuha rin ng ginto si Lava mula sa kanyang tagumpay sa FS mixed over-17 katuwang sina Jeordan Dominguez, Jaylord Seridon, Janice Lagman at Rani Ortega.

Sa kabuuan, kumolekta ang Team Phl ng 3 golds, 2 silvers at 3 bronze medals para makuntento sa fifth place.

Ang Korea ang hinirang na overall champion sa nahakot na 13 gold, 1 silver at 2 bronze me-dals kasunod ang China (5 golds, 1 bronze) at USA (4-4-11). Ang Vietnam, kalaban ng Pinas sa SEA Games, ay kumuha ng 3-golds, 6-silver at 5 bronze.

ANG KOREA ANG VIETNAM GLENN LAVA JANICE LAGMAN JAYLORD SERIDON JEAN PIERRE SABIDO JEORDAN DOMINGUEZ KOREAN KWANG HO PARK MEXICAN OLIN YOLISTAN MEDIAN LOPEZ SABIDO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with