Phl poomsae team kumuha ng 1 silver at 3 bronze medals
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - November 3, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Humugot ang Pilipi­nas ng isang silver at tatlong bronze medals kasabay ng pag-aagawan ng Korea at Vietnam sa gold medal sa ikatlong araw ng 9th WTF World Taekwondo Poomsae Championships sa Aguascalientes, Mexico.

Nabigo sina Jeordan Do­minguez at Jocel Lyn Ni­nobla sa freestyle pair over-14 event matapos ma­talo kina Vietnamese Thi Thuy Dung Ngo at Than Trung Le (8.080) via .020 points.

Tinatarget sana ni Do­­minguez ang kanyang ika­lawang gintong medalya sa nasa­bing four-day, 46-nation tourney ma­tapos manalo sa freestyle mixed team over-30 competition  katuwang si­­na Glenn Lava, Jaylord Se­­ridon, Janice Lagman at Rani Ortega.

Bumandera ang tambalan nina Do­minguez at Ninobla kontra kina Nikolai Avdonkin at Nadeshda Pak (7.620) ng Russia at laban kina Long Nguyen at Heather Huynh (7.340).

Ang ikalawang bronze medal ng bansa ay nanggaling kay Rinna Babanto sa female individual under-17.

GLENN LAVA HEATHER HUYNH JANICE LAGMAN JAYLORD SE JEORDAN DO JOCEL LYN NI LONG NGUYEN NADESHDA PAK NIKOLAI AVDONKIN SHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with