IEM, Army tangka ang Finals
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - October 23, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tangka ng Instituto Estetico Manila Volley Masters at Army Lady Troopers na okupahan ang  puwesto sa championship round sa paggapi sa mga makakatunggali sa pagpapatuloy ngayon ng Shakey’s V-League Season 11 Third Conference sa The Arena sa San Juan City.

Kalaban ng Volley Masters ang FEU Tamaraws sa unang laro sa ganap na ika-4 ng hapon at pakay ng koponan ang ikaapat na panalo sa limang laro na sapat na para mapalaban sa kampeonato sa kalalakihan sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at may ayuda rin ng Accel at Mikasa.

Ang Systema Active Smashers ay kasalo ng IEM sa unang puwesto at kailangan din lamang ng koponan ang maipanalo ang isa sa huling dalawang laro para mapalaban sa titulo.

Paborito ang Volley Masters sa Tamaraws dahil bukod sa talunan ang huli sa kanilang huling dalawang laro ay inilampaso rin ng commercial team ang collegiate squad sa unang pagtutuos, 25-20, 25-22, 25-20.

Sa tampok na laro dakong alas-6 ng gabi ay magtutuos uli ang Army at Cagayan Valley Lady Ri-sing Suns na inaasahang magiging mahigpitan tulad sa unang pagkikita.

Lumabas ang championship experience ng Lady Troopers para makabangon sa 1-2 iskor tungo sa 17-25, 25-17,17-25, 25-21, 15-13, panalo sa Lady Rising Suns.

Mas matibay ang pu-wersa ngayon ng Caga-yan, tinalo ng Army para sa Open Conference title, dahil magagamit na nila ang serbisyo ng mga imports na sina Amporn Hyapha at Patcharee Sangmuang para isahog sa mga locals sa pangunguna nina Aiza Pontillas, Wenneth Eulalio, Analyn Joy Benito at Janine Marciano. (AT)

AIZA PONTILLAS AMPORN HYAPHA ANALYN JOY BENITO ANG SYSTEMA ACTIVE SMASHERS ARMY LADY TROOPERS CAGAYAN VALLEY LADY RI INSTITUTO ESTETICO MANILA VOLLEY MASTERS JANINE MARCIANO LADY RISING SUNS VOLLEY MASTERS
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with