Gobert nagpasikat sa panalo ng Jazz
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - October 15, 2014 - 12:00am

SALT LAKE CITY – Umiskor si Trey Burke ng 16 points at may 8 assists habang si Rudy Gobert ay may 11 points at 20 rebounds upang iangat ang Utah Jazz sa 102-89 panalo kontra sa Los Angeles Clippers noong Lunes ng gabi.

Si Derrick Favors ay nagdagdag ng 15 points at 11 rebounds para sa Jazz (3-0) na wala pa ring talo sa preseason.

Umiskor si Blake Griffin ng 31 points, nagdagdag si JJ Redick ng 17 points at si Chris Paul ay tumapos ng 11 points at 11 assists para sa Clippers (0-3) na wala pa ring panalo.

Sa Houston, umiskor si Terrence Jones ng 18 points at ang three-point play ni Isaiah Canaan ang naglagay sa Houston sa kalamangan sa huling  29 seconds ng laro at ‘di na lumingon patungo sa 95-92 panalo ng  Rockets sa Phoenix Suns.

Sa New York, nagtala si Lou Williams ng 21 points sa panalo ng Toronto Raptors kontra sa New York 81-76 sa preseason home opener ng Knicks.

Sa Chicago, humakot si  Jimmy Butler ng 21 points at nagdagdag si rookie Doug McDermott ng 16 upang pangunahan ang Chicago Bulls sa 110-90 panalo kontra sa Denver Nuggets.

Sa iba pang balita, nagkapasa si Charlotte Hornets point guard Kemba Walker sa kaliwang tuhod,  napuwersa naman ang kanang tuhod ni  Bucks center Johnny O’Bryant at may strained knee si Detroit Pistons guard Kenta-vious Caldwell-Pope.

BLAKE GRIFFIN CHARLOTTE HORNETS CHICAGO BULLS CHRIS PAUL DENVER NUGGETS DETROIT PISTONS ISAIAH CANAAN JIMMY BUTLER JOHNNY O KEMBA WALKER POINTS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with