^

Parks Jr. lalaro sa Hapee sa D-League

(Pang-masa) - October 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Magbabalik si dating National U at NLEX star Bobby Ray Parks sa Philippine basketball para pangunahan ang Hapee Toothpaste team na gagamit ng NLEX franchise sa PBA D-League.

Pumirma si Parks ng two-conference contract sa Lamoiyan Corporation para manatili sa kondisyon habang naghihintay ng susunod na NBA off-season kung saan plano niyang magtangka sa ikalawa at huling pagkakataon na makapasok sa NBA.

“It’s his dream and a promise to his dad (ang dating PBA Hall-of-Fame import Bobby Parks),” sabi ni Charlie Dy, ang agent ng Fil-Am forward.

Kung hindi magtatagumpay si Park na matupad ang pangarap na makalaro sa NBA ay may PBA naman siyang pupuntahan. 

Bukod kay Parks, kabilang sa Hapee Toothpaste cast sina Chris Newsome ng Ateneo, Arnold Van Opstal ng La Salle, Scottie Thompson ng Perpetual Help, Chris Javier ng UE at ang mga San Beda players na sina Baser Amer, Ola Adeogun, Art dela Cruz, Ryussei Koga, JP Mendoza at Michole Sorela para samahan ang mga NLEX holdovers na sina Garvo Lanete at Kirk Long.

“Nakakuha kami hulog mula sa langit kagabi,” pahayag ni Hapee Toothpaste coach Ronnie Magsanoc na tinutukoy si Newsome, ang No. 2 pick ng Tanduay sa nakaraang rookie draft.

 

ARNOLD VAN OPSTAL BASER AMER BOBBY PARKS BOBBY RAY PARKS CHARLIE DY CHRIS JAVIER CHRIS NEWSOME GARVO LANETE HAPEE TOOTHPASTE KIRK LONG
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with