Rivera at Del Rosario sasabak sa World Cup
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - August 24, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Magbabalik sa international finals ng prestihiyosong Bowling World Cup sina dating world titlist Biboy Rivera at Liza del Rosario.

Ito ay matapos pamahalaan nina Rivera at Del Rosario ang 2014 BWC national championship noong Bi­yernes sa SM North EDSA.

Dahil dito, nakamit nina Rivera at Del Rosario ang dalawang tiket para sa international competition na nakatakda sa Nobyembre 1-9 sa Wroclaw, Poland.

Tinalo ni Rivera, nanguna sa eliminations kasama ang 8-game round robin competition, si Benshir La­yoso, 2-1 (256-258, 227-193, 232-177), sa men’s division.

Pinayukod naman ni Del Rosario si elimination top­notcher Lara Posadas, 2-0 (206-188), 225-205), sa la­dies’ bracket.

Ito ang magiging ikatlong international stint ni Ri­vera at pang-lima naman ni Del Rosario, dalawang be­ses muntik makamit ang World Cup noong 2011 sa Pattaya, Thailand at noong 2004 sa Singapore.

Kumampanya din si Del Rosario sa international event noong 2007 sa Russia at noong 2009 sa Melaka, Ma­laysia.

Pumangatlo naman si Rivera sa kanyang unang BWC international finals appearance noong 2010 sa Toulouse, France.

Sina Paeng Nepomuceno, Lita dela Rosa at Bong Coo ang mga nagkampeon sa World Cup.

 

BENSHIR LA BIBOY RIVERA BONG COO BOWLING WORLD CUP DEL ROSARIO LARA POSADAS RIVERA SHY WORLD CUP
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with