Produktibo ang mga kabayo ni trainer Tupas
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - August 9, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Produktibo ang mga kabayong si-nanay ni Ruben Tupas para mabalik siya sa unang puwesto sa hanay ng mga trainers.

May 14 panalo bukod sa 13 segundo, 10 tersero at 15 kuwarto puwesto ang tinapos ng mga sinanay na kabayo ni Tupas upang pumaimbulog uli ang trainer matapos ang buwan ng Hunyo sa P1,626,446.75 kabuuang kinita.

Ang nangunguna matapos ang buwan ng Mayo na si Conrado Vicente ay nalaglag sa ikalawang puwesto habang si Dave Dela Cruz ang nanatili sa ikatlong puwesto.

Mahigit tatlong daan libong piso lamang ang kinita ni Vicente kahit may nangungunang18 panalo upang isulong ang karta sa 85 panalo, 75 segundo, 62 tersero at 51 kuwarto puwestong pagtatapos tungo sa P1,481,227.27 kita.

Si Dela Cruz ay may napanalunan ng P1,306,780.47 mula sa 75 panalo, 69 segundo, 71 tersero at 64 kuwarto puwestong pagtatapos.

Wala pa ring nadaragdag sa millionaire’s list sa panig ng mga hinete dahil ang nasa ikaapat na puwesto na si RP La Rosa ay may P869,492.90 mula sa 60-41-28-21 una hanggang ikaapat na puwestong pagtatapos.

Si Renato Hipolito  na trainer ng 2014 Triple Crown champion Kid Molave, ang nasa ikalimang puwesto sa P739,192.15 sa 30-19-11-11 karta.

 Si MM Vicente ay may nalikom nang P680,280.34 (31-36-45-42), si JC Pabilic ay may P672,254.08 (40-42-25-49), si RR Henson ay may P645,872.01 (37-36-26-25), si RR Yamco ay may P644,757.13 (34-29-55-56) at si DS Sordan ay may P625,055.66 (38-29-27-25) para makumpleto ang unang sampu sa talaan. (AT)

CONRADO VICENTE DAVE DELA CRUZ HENSON KID MOLAVE LA ROSA RUBEN TUPAS SI DELA CRUZ SI RENATO HIPOLITO TRIPLE CROWN VICENTE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with