^

PM Sports

Raptors, hawks nagkasundo sa 3-player trade

Pang-masa

MANILA, Philippines - Inilagay ng Atlanta Hawks ang kanilang sarili sa aktibong posisyon sa free-agent market na magbubukas nitong Martes.

Halos 24 oras bago ang pagsisimula ng free-agent ay nakipagkasundo na ang Hawks sa isang trade sa Toronto Raptors na magpapaluwag ng kanilang salary cap ng $15 milyon.

Hindi pa pormal na inihahayag ang kasunduan.

Makukuha ng Hawks si veteran forward John Salmons, mayroon pang $1 million buyout sa kanyang $7 million suweldo, na magbibigay ng financial flexibility sa Atlanta.

Mahuhugot naman ng Raptors sina Brazilian center Lucas Nogueira, ang 16th overall pick noong nakaraang taon at kumampanya sa Spain at veteran guard Lou Williams, isang scoring specialist na may kontrata pa na nagkakahalaga ng $5.5 milyon sa susunod na season.

Sa pagkawala ni Williams ay mabibigyan nito si Hawks GM Danny Ferry ng malaking pera para makahanap ng mga bagong players sa free agency. Ilan dito ay sina LeBron James at Carmelo Anthony.

 

ATLANTA HAWKS

CARMELO ANTHONY

DANNY FERRY

ILAN

INILAGAY

JOHN SALMONS

LOU WILLIAMS

LUCAS NOGUEIRA

MAHUHUGOT

MAKUKUHA

TORONTO RAPTORS

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with