^

PM Sports

Sa mga susunod na season ng Spurs NBA career ni Duncan malapit nang magwakas

Pang-masa

MIAMI — Nakikita na ni Tim Duncan ng San Antonio Spurs ang panahon ng kanyang pagreretiro.

Ngunit hindi pa iniha­yag ni Duncan ang kanyang retirement plans.

“I think in the last couple years I’ve really kind of taken a step back and stopped and enjoyed what the journey means,” ani Duncan. “I think, as it comes to a close on my career — and I know it is — I appreciate it more.”

Walang mairereklamo sa inilalaro ng 38-anyos na si Duncan sa kasalukuyang championship series nila ng Miami Heat.

Nagposte siya ng ave­rage na 17.7 points mula sa 65 percent shooting.

Sakaling manaig ang Spurs sa Heat sa kanilang serye, ito ang magiging pang-limang korona ni Dun­can.

Bago ang simula ng ka­nilang rematch finals ng Miami ay sinabi ni Dun­can  na hindi pa siya nag-iisip na mag­retiro.

“I appreciate every accomplishment, and every­thing that we get to go through and every experience, knowing that it might be the last time I do it,” ani Duncan.

 

DUNCAN

MIAMI HEAT

NAGPOSTE

NAKIKITA

NGUNIT

SAKALING

SAN ANTONIO SPURS

SHY

TIM DUNCAN

WALANG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with