Pagpupugay sa isang daang taon ng Philippine sports tatalakayin sa PSA
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - May 27, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ang  proyektong Pagpupugay sa Isang Daang Taon ng Philippine Sports na nakatakda sa Resorts World sa June 1 ang pag-uusapan ngayon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.

Sina Asia’s First Grandmaster Eugene Torre at sportscaster Chino Trinidad, na siyang utak para sa naturang event na titipon ng mga bayani ng Philippine sports, ang tatalakay sa event sa session na maririnig sa DZSR Sports Radio 918 at sa tulong ng Accel, Shakey’s at Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Si Torre ay magdiriwang ng kanyang ika-40th anniversary sa pagiging unang Asian Grandmaster.

Tatalakayin din sa public sports program ang 2014 World Slasher Cup-2 Invitational 8-Cock Derby at 1st Gemmalyn Crosby Sports Festival. Ang tatalakay para sa World Slasher Cup ay sina coordinator Dong Lamoste at assistant to the CEO  para sa Araneta Group of Companies na si Allan Gabor,  habang ipo-promote ni bodybuilding at fitness champ Gemmalyn Crosby ang kanyang sports festival sa Dusit Thani Hotel sa June 13-15.

 

ALLAN GABOR ARANETA GROUP OF COMPANIES ASIAN GRANDMASTER CHINO TRINIDAD COCK DERBY DONG LAMOSTE DUSIT THANI HOTEL FIRST GRANDMASTER EUGENE TORRE GEMMALYN CROSBY WORLD SLASHER CUP
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with