Kia, Blackwater umeentra magdadagdag ng miyembro ang PBA
QH (Pang-masa) - March 3, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tatalakayin ng PBA Board of Go-vernors sa Huwebes ang aplikasyon ng dalawang bagong prangkisa.

Kung maaaprubahan ang nasabing mga aplikasyon ay bubuksan ng PBA ang kanilang ika-40 season na may record na 12 koponan.

Noong Biyernes ay nagsumite ang Ever Bilena Cosmetics ng letter of intent para makasama sa PBA at pirmado nina chairman at chief executive officer Dioceldo Sy at chief operating officer Silliman Sy.

Gagamitin ng Ever Bilena ang Blackwater brand sa PBA kung maaaprubahan ang kanilang aplikasyon.

Nauna nang nagbigay na rin ang Columbian Autocar Corp. ng sarili nitong letter of intent na may lagda ni president Ginia Roxas Domingo.

Ang Kia brand ang gagamitin ng Columbian sa PBA sakaling aprubahan ang kanilang pagpasok.

Kapwa kilala ang Blackwater at Kia bilang mga supporters ng basketball.

Ang Blackwater ang tanging koponan sa PBA D-League na nanalo ng korona bukod sa NLEX at ang Kia ay ang exclusive automotive partner ng NBA na nagtataguyod ng mga performance awards nito, kabilang ang All-Star Game MVP, ang season MVP, ang Rookie of the Year at ang NBA Cares.

Isa sa mga global spokesmen ng Kia ay si Los Angeles Clippers center Blake Griffin na nilundagan ang isang Kia Optima para angkinin ang NBA 2011 slam dunk championship.

“In my view, we have arrived as an Asian and global basketball power and nation,” sabi ni PBA chairman Ramon Segismundo. “We need an even more vibrant, dynamic and broader-based PBA.”
Idinagdag pa ni Segismundo na mayroon pang ika-13th franchise ngunit ayaw pa niyang ibunyag ang naturang prospective applicant.

Sang-ayon naman si PBA commissioner Chito Salud  kay Segismundo.   “This is the perfect time to join the league,” he said.  “The players are putting their hearts into the competition.  There is no dearth of quality players.  The fans are hot and raging.  The games are exciting and played on a high level.  Our live attendance and TV viewership are impressive. Any serious prospective applicant for membership will certainly partake of the benefits of the league’s resurgence.”

 

ALL-STAR GAME ANG BLACKWATER ANG KIA BLAKE GRIFFIN BOARD OF GO CHITO SALUD KIA PBA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with