^

PM Sports

Dullano bagong PWA prexy

Pang-masa

MANILA, Philippines - Iniluklok si Roger Dullano bilang bagong presidente ng Philippine Weightlifting Association (PWA).

Si Dullano ay ang dating secretary general ng PWA bago nahirang na bagong pangulo.

Pinalitan ni Dullano ang dating pangulo ng weigh­tlifting associaiton na si Bacolod City Mayor si Moni­co Puentevella.

Nauna nang itinakda ang eleksiyon noong Peb­rero 21 subalit nakansela dahil sa kakulangan ng  do­kumento mula sa Philippine Olympic Committee (POC).

Ang eleksyon noong Pebrero 28 ay dinaluhan ni Phil­ta secretary general at Asian Games Task Force member Romeo Magat bilang POC observer.

Bukod kay Dullano, ang iba pang naihalal ay sina Ro­mel Alino mula Cebu bilang chairman at dating na­tional coach na si Prof. Elbert Atilano mula Zamboanga City bilang vice-president.

Nanatili naman bilang secretary general ng PWA si Dioscoro Himotas ng Cebu City, habang ang auditor ay si Paquito Kit Mortera ng Zamboanga City at ang mga trustees ay sina Rodrigo Roque mula sa Manila at si Felix Tiukinhoy ng Cebu City.

 

ASIAN GAMES TASK FORCE

BACOLOD CITY MAYOR

CEBU CITY

DIOSCORO HIMOTAS

DULLANO

ELBERT ATILANO

FELIX TIUKINHOY

PAQUITO KIT MORTERA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with