^

PM Sports

Rain or Shine kontra sa San Mig Coffee ngayon: Ginebra lusot sa Meralco

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Parehong play at mag­ka­tulad na resulta.

Isinalpak ni 6-foot-8 Ja­peth Aguilar ang isang three-point shot kasabay ng pagtunog ng final buz­zer para ilusot ang Barangay Ginebra laban sa Me­ralco, 83-82, sa 2013-2014 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ito ang pang-anim na sunod na arangkada ng Gin Kings para patuloy na banderahan ang torneo sa kanilang 9-1 kartada.

Nauna nang nagsalpak si Aguilar ng 3-pointer para sa 97-95 panalo ng Gi­­nebra kontra sa three-time defending cham­pions na Talk ‘N Text no­ong Disyembre 8.

“Same play as with Talk ‘N Text but with a lot of options,” sabi ni coach Ato Agustin sa nasabing tres ni Aguilar laban sa Tropang Texters at Bolts.

Bago ang tres ni Aguilar ay tumikada muna si 6’7 Jay-R Reyes ng kan­yang 3-point shot sa na­lalabing 12.8 segundo pa­ra ilapit ang Gin Kings sa 80-82 agwat matapos ang split ni John Wilson sa panig ng Bolts, nalasap ang kanilang pang-apat na di­kit na kabiguan.

Ang dalawang mintis na free throws ni Wilson ang nagresulta sa tres ni Aguilar para sa panalo ng Ginebra na tinalo ng Me­ralco, 87-100, noong Dis­yembre 3.

“Credit to my big guys. Credit to Meralco they played great, especially on defense. They con­trolled our bigs and our shooters,” wika ni Agustin.

Umiskor si Aguilar ng 15 points sa ilalim ng 17 ni rookie center Greg Slaughter para sa Gin Kings, habang may 14 si Mac Baracael at 13 si LA Te­norio.

Naitabla ni Tenorio ang Ginebra sa 73-73 sa 3:25 ng fourth quarter kasunod ang pagtutuwang nina Jared Dillinger at Reynel Hug­natan para ila­yo ang Me­ralco sa 81-75 sa hu­ling 1:00 minuto.

 Huling nahawakan ng Bolts ang unahan sa 82-77 matapos ang split ni Wilson, dating naglaro sa Gin Kings, sa natitirang 15.1 se­gundo.

Nagtala si Dillinger ng 16 markers para sa Meralco kasunod ang 13 ni Hug­natan at 12 ni Wilson.

Sa ikalawang laro, nag-init ang Petron Blaze sa fourth quarter para ta­lu­nin ang Talk ‘N Text, 105-91.

Tinapos ng Boosters ang kanilang dalawang su­nod na kamalasan ka­sabay ng pagpigil sa Tro­pang Texters sa asam nilang pang-apat na dikit na arangkada.

Nauna nang nagposte ang Petron ng matayog na 7-0 kartada bago matalo sa Ginebra at Rain or Shine.

Binanderahan ni Marcio Lassiter ang Boos­ters mula sa kanyang 22 points kasunod ang 19 ni Ar­wind Santos at 16 ni Chris Lutz.

Samantala, nakatakdang harapin ng Rain or Shine ang San Mig Coffee ngayong alas-5:15 ng ha­pon matapos ang sal­pukan ng Globalport at Ba­rako Bull sa alas-3 sa Mall o Asia Arena.

Target ng Elasto Pain­ters ang kanilang ikatlong dikit na panalo at pagsolo sa ikatlong puwesto sa pagsagupa sa Mixers.

Ginebra 83 - Slaughter 17, Aguilar 15, Baracael 14, Tenorio 13, Ellis 7, Ca­guioa 6, Urbiztondo 5, Re­yes 3, Monfort 2, Helterbrand 1, Mamaril 0.

Meralco 82 - Dillinger 16, Hugnatan 13, Wilson 12, David 9, Cortez 8, Ca­ram 6, Sena 6, Allado 6, Gue­varra 3, Hodge 3, Al-Hus­saini 0.

Quarterscores: 27-22; 40-40; 59-60; 83-82.

Petron 105 - Lassiter 22, Santos 19, Lutz 16, Cabag­not 12, Tubid 8, Kramer 8, Taha 6, Deutchman 6, Lanete 4, Duncil 2, Ross 2.

Talk ‘N Text 91 - Castro 23, Fonacier 19, De Ocampo 12, Seigle 10, Reyes J. 7, Baclao 4, Poligrates 4, Ca­rey 4, Aban 2, Williams 2, Anthony 2, Alapag 2, Celiz 0.

Quarterscores: 17-27; 45-52; 76-64;105-91.

 

AGUILAR

ASIA ARENA

ATO AGUSTIN

GIN KINGS

GINEBRA

MERALCO

N TEXT

PARA

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with