Imbitado lahat ng mga naging Athletes of the Year sa 2013 PSA Awards Night
(Pang-masa) - December 6, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tinatawagan ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang lahat ng mga dating Athletes of the Year kaugnay sa pagdaraos ng 2013 Annual Awards Night sa Enero ng susunod na taon.

Ang lahat ng tumanggap ng nasabing parangal mula sa PSA ay maaaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng email na philsportswritersassociation@gmail.com o sa mobile numbers na 0917-5094400, 0917-5435713 at 0932-8464233.

Kabilang sa mga multiple recipients ng Athletes of the Year honor ay sina Hall of Famers Manny Pacquiao, Paeng Nepomuceno, Lydia De Vega at Bong Coo.

Noong nakaraang taon ay iginawad ng pinakamatandang media organization sa bansa ang PSA Athletes of the Year award kina boxers Nonito Donaire Jr. at Josie Gabuco at sa five-time UAAP men’s basketball champion Ateneo at Big League World Series champion Team Manila.

ANNUAL AWARDS NIGHT ATHLETES OF THE YEAR BIG LEAGUE WORLD SERIES BONG COO HALL OF FAMERS MANNY PACQUIAO JOSIE GABUCO LYDIA DE VEGA NONITO DONAIRE JR. PAENG NEPOMUCENO PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION TEAM MANILA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with