Bryant ilang Linggo pa bago makapaglaro
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - November 3, 2013 - 12:00am

LOS ANGELES -- Gumaganda na ang kondisyon ni Kobe Bryant hinggil sa kanyang injury recovery.

Ngunit ilang linggo pang hindi makakalaro ang Los Angeles Lakers star.

Bago ang kanilang 85-91 kabiguan sa San Antonio Spurs ay sinabi na ni Bryant na tumatakbo na siya sa patag na kalsada “a little bit more aggressively”.

Regular nang nagpapakondisyon si Bryant sa isang special treadmill sa Lakers’ training complex.

Habang wala pa siyang itinakdang petsa kung kailan makakapaglaro, sinabi ni Bryant na tatlong linggong conditioning work ang kanyang kakailanganin ba­go makabalik sa kanilang team practice.

“This week it’s done pretty well, actually,” wika ni Bryant . “It’s been OK. I’ve been able to push pretty hard and come back, push hard again. The recovery of it has been pretty good.”

Napunit ng fourth-leading scorer sa NBA history ang kanyang Achilles tendon noong Abril sa kanilang laro ng Golden State Warriors.

ABRIL BRYANT GOLDEN STATE WARRIORS GUMAGANDA HABANG KOBE BRYANT LOS ANGELES LAKERS NAPUNIT NGUNIT SAN ANTONIO SPURS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with