^

Casimero nanalo via 11th-round TKO

RCadayona (Pang-masa) - October 27, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dinomina ni Johnriel Casimero si Mexican chal­­lenger Felipe Salguero para patuloy na isuot ang kanyang International Boxing Federation (IBF) light flyweight crown ka­gabi sa Makati Coliseum.

Tinalo si Casimero si Salguero via 11th-round TKO (Technical Knockout) para sa kanyang ikatlong sunod na pagdedepensa sa IBF belt.

Nang mapabagsak ni Casimero si Salguero sa round eleven ay inihinto na ng referee ang laban.

Pinaganda ng 23-an­yos na si Casimero ang kan­yang win-loss-draw ring record sa 19-2-0 ka­sama ang 10 knockouts kum­para sa 18-5-1 (13 KOs) ng 31-anyos na si Sal­guero.

Napadugo ni Casimero ang kanang kilay at ka­liwang mata ni Salguero sa round seven bago ma­patumba ang Mexican sa round nine.

Si Casimero ang isa sa tatlong Filipino world champion sa kasalukuyan bukod kina WBO light fly­weight king Donnie Nietes at WBO mini­mum­weight ruler Merlito Sa­billo.

CASIMERO DONNIE NIETES FELIPE SALGUERO INTERNATIONAL BOXING FEDERATION JOHNRIEL CASIMERO MAKATI COLISEUM MERLITO SA SALGUERO SHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with