USA at Spain nais makalaban ng Phl U-16 Team

ATan (Pang-masa) - October 10, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pangarap ng Philippine Under-16 basketball team na makasama sa isang bracket ang USA at Spain sa gaganaping World U-17 Championship sa Hunyo ng 2014.

Hindi naman ito dahil sa kaya ng koponang ha­wak ni coach Jamike Ja­rin na talunin ang mga po­werhouse teams na ito kundi para magkaroon ng ka­ranasan na makalaban ang mga bansang tini­ti­ngala sa basketball nga­yon.

“Its not everyday that we play in the World Cham­pionships. Sana nga ay maka-bracket natin sila da­hil kung hindi, sa finals mo na sila makakalaban,” wi­ka ni Jarin.

Nakapasok sa World Championship ang Pilipi­nas nang kunin ng Natio­nals ang ikalawang pu­wes­to sa FIBA Asia U-16 na ginawa sa Tehran, Iran.

Hinigitan ng Nationals ang dalawang sunod na pang-apat na puwestong pag­tatapos noong 2009 at 2011 nang talunin ang Chi­nese-Taipei sa semifinals.

Kinaharap ng Natio­nals ang China at natalo, 85-78.

ASIA U HINIGITAN JAMIKE JA NATIO PHILIPPINE UNDER SHY WORLD CHAM WORLD CHAMPIONSHIP WORLD U
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with