^

River Mist nanguna sa Juvenile Colts Stakes

AT (Pang-masa) - October 1, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tinalo ng River Mist ang Matang Tubig sa rematehan para angkinin ang 3rd leg ng 2013 Philracom Juvenile Colts Stakes noong Linggo sa San La­zaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ang Matang Tubig na sakay ni Jonathan Hernandez ang  siyang nanguna sa pagbubukas ng aparato ngunit bumagal ito pagpasok sa huling kurba­dao sa 1,400-metro distansyang karera.

Ito naman ang siyang hinintay ng River Mist ni Jeff Zarate na mainit na sa puntong ito at nasa balya kaya't pagpasok sa rekta ay nakauna na ang dating nasa ikatlong puwesto na kabayo.

Balikatan ang nangyari hanggang sapitin ang hu-ling 75-metro ng karera na kung saan umarangkada pa ang River Mist para manalo ng halos isa't kalaha­ting agwat sa meta.

Naorasan ang nanalong kabayo ng 129 sa kuwartos na 12', 24', 24' at 28' para maibulsa ang P600,000.00 unang gantimpala para sa P1 milyong isinahog ng nagtaguyod na Philippine Racing Commission.

Ang panalo ay tumabon sa pagkakalapag sa ikatlong puwesto ng kabayo sa second leg na dinomina ng Young Turk bago sumegundo ang Matang Tubig, ang first leg champion.

May pakonsuwelong P225,000.00 ang Matang Tubig habang pumangtlo ang Mr. Bond ni Jessie Guce.

Naunang nagpasikat ang Up And Away na dinomina ang Juvenile Fillies sa kaparehong 1:29 tiyempo.

 

JEFF ZARATE JESSIE GUCE JUVENILE FILLIES MATANG MATANG TUBIG MR. BOND PHILIPPINE RACING COMMISSION RIVER MIST
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with