^

89TH NCAA Men’s Basketball tournament Playoff berth para sa ‘twice-to-beat’ asam ng San Beda Red Lions

ATan (Pang-masa) - September 19, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Aasinta ng playoff ang three-time champions na San Beda para sa isa sa da­lawang ‘twice-to-beat’ in­centive sa Final Four, ha­bang magpapatatag ang San Sebastian sa hawak sa ikaapat na puwesto sa 89th NCAA men’s bas­ket­ball tournament sa The Are­na sa San Juan City.

Makakaharap ng Red Lions ang host St. Benilde Blazers ngayong alas-6 ng gabi matapos ang labanan ng Stags at Lyceum Pirates sa alas-4 ng hapon.

May 10-2 baraha ang San Beda at kung manalo pa ay iiwanan nila ang ka­salo sa unang puwesto na Letran College.

Makakatiyak na rin si­la ng playoff dahil ang pi­nakamagandang pagta­tapos na kayang abutin ng mga nasa ika-limang pu­westong St. Benilde, Jo­se Rizal University at Emi­­lio Aguinaldo College ay hanggang 11 panalo lamang.

Sa ngayon, ang tatlong nabanggit na koponan ay may iisang 5-7 baraha na papasok sa kanilang hu­ling anim na laro sa elimi­na­tion round.

May tatlong sunod na pa­nalo ang Red Lions pero hindi sila maaaring mag­kumpiyansa sa Bla­zers na pinahirapan sila sa unang pagtutuos at natalo lamang ng isang puntos, 70-71, noong Hunyo 22.

Magpupursigi rin ang St. Benilde, nagmula sa dikitang 64-68 pagkatalo.

Ikaapat na sunod na pa­­nalo naman ang target ng Stags sa pagsagupa sa Pirates na nais madup­lika ang 60-55 upset sa first round.

AGUINALDO COLLEGE FINAL FOUR LETRAN COLLEGE LYCEUM PIRATES RED LIONS RIZAL UNIVERSITY SAN BEDA SHY ST. BENILDE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with