^

Patuloy ang paglayo ni Tupas, Dela Cruz sa mga kalabang trainers

AT (Pang-masa) - September 5, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang paglayo nina Ruben Tupas at DR dela Cruz sa hanay ng mga trainers matapos ang buwan ng Hulyo.

May 93 kabayo na sinanay ni Tupas ang nanalo na sa unang pitong buwan sa taong 2013 para makakubra ng kabuuang P1.941,859.43 premyo.

Pumalo na rin sa 80 ang pumanga-lawa, 82 ang pumangatlo at 60 ang tumapos sa pang-apat na puwesto sa mga sinanay ni Tupas.

Si Dela Cruz ay angat na kung pagpapanalo ang pag-uusapan matapos magtala ng 90 panalo bukod pa sa 94 segundo, 90 tersero at 79 kuwarto puwesto.

Ngunit mas malalaki ang premyong napanalunan ni Tupas para manatiling nasa ikalawang puwesto si Dela Cruz sa kinubrang P1,490,322.41 premyo.

Si Conrado Vicente ay napalapit na rin sa P1 milyon marka matapos magpasok ng P988,914.44 premyo sa 55 panalo, 54 segundo, 55 tersero at 42 kuwarto puwestong pagtatapos. Napalitan naman si Jeci Lapus ni RR Yamco sa ikaapat na puwesto matapos manalo ang siyam na kabayong inalagaan sa nagdaang buwan.

Umangat ang karta ni Yamco sa 48 panalo, 51 segundo, 60 tersero at 52 kuwarto puwesto tungo sa P890,343.86 habang si Lapus na may apat na panalo lamang sa buwan ng Hulyo ay may P880,981.56 kita (42-57-70-64) para malagay sa ikalimang puwesto. Sina JC Sordan (P830,771.27), RR Henson (P749,704.67), DS Sordan (P722,932.41), MM Vicente (P715,596.03) at AC Sordan Jr . (P626,052.68) ang kukumpleto sa unang sampu sa talaan.

 

DELA CRUZ HULYO JECI LAPUS RUBEN TUPAS SI CONRADO VICENTE SI DELA CRUZ SORDAN SORDAN JR TUPAS YAMCO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with