World Peace hahabulin ng Knicks kung bibitawan ng Lakers
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - July 11, 2013 - 12:00am

NEW YORK -- Ang Knicks ang isa sa mga koponang umaasang masisikwat si Metta World Peace kung isasailalim siya ng Los Angeles Lakers sa amnesty at sasalang sa free-agent market, sabi ng isang league source sa Yahoo! Sports.

Ang mga koponang may maluwag na salary cap space ay maaaring tumi-ngin sa mga players na inilagay sa amnesty kung saan ang highest bidder ang makakakuha sa nasabing player.

Inaasahang idadaan ng Lakers sa amnesty si World Peace na maaaring tumanggap ng $7.7 milyon sa huling taon ng kanyang kontrata. Matapos ito ay sasailalim ang New York native sa amnesty waiver process ng NBA.

Kung walang kukuha kay World Peace ay maaari na siyang pumirma sa anumang koponan na gusto niya. Nais ng Knicks na makuha si World Peace gamit ang veteran’s minimum salary.

Maaari siyang maging small forward para sa Knicks, sabi ng source.

Ang paghugot ng Knicks kay World Peace ay hindi makakabawas sa kagustuhan nilang kunin si Dallas Mavericks free-agent forward Elton Brand, wika pa ng source.

ANG KNICKS DALLAS MAVERICKS ELTON BRAND INAASAHANG LOS ANGELES LAKERS MAAARI MATAPOS METTA WORLD PEACE NEW YORK WORLD PEACE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with