Talk ‘N Text nagsampa ng kaso laban sa Gulf Air
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - June 25, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Nagsampa ng deman­da kahapon ang Talk ‘N Text laban sa Gulf Air ka­ugnay sa kabiguan nitong magbigay ng paliwanag sa nangyari sa Dubai no­ong Hulyo ng 2011.

Noong Hulyo 21, 2011 ay hindi pinayagan  ng Gulf Air na pasakayin ang mga players at officials ng Tropang Texters na nagkum­pirma ng ka­nilang booking para sa re­turn trip sa Maynila.

 Ang mga Talk ‘N Text, Barangay Ginebra at Barako Bull, kasama ang PBA staff, ay bahagi ng PBA delegation na nag­tungo sa Dubai noong Hulyo ng 2011 na naglaro ng official game sa harap ng mga Overseas Filipino Workers.

 Kinansela ng Gulf Air ang booking ng PLDT team na hindi sila binibigyan ng notice.

Dahil dito ay nanatili sa airport ng Dubai ang na­­turang delegasyon. 

Ang demanda ay isi­nampa ni PBA Commissioner Atty. Chito Salud sa ngalan ng Talk N’ Text team, ayon kay PBA legal counsel Atty. Melvin Men­doza.

“We have written them several demand letters but up to this time the airline company has not yet gi­ven a satisfacto­ry explanation,” wika ni Mendoza.

Hindi sila nakaranas ng anumang proble­ma nang umalis sila ng May­ni­la papunta ng Dubai.

“The players and officials of TNT went to the check-in counter of Dubai airport at least three hours before their scheduled flight only to be informed that their flights were can­celled,” wika ni Mendo­za.

Ang ibang team members ay naghanap ng flight sa ibang airlines pa­ra lamang makauwi, habang ang iba ay natulog sa malapit na hotel para sa flight kinabukasan.

BARAKO BULL BARANGAY GINEBRA CHITO SALUD COMMISSIONER ATTY DUBAI GULF AIR HULYO N TEXT SHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with