^

Villarias nagbida sa pananaig ng NLEX Road Warriors kontra sa Fruitas

Angeline Tan (Pang-masa) - April 23, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Naipakita ni Byron Vil­larias ang larong inaa­sahan sa kanya para tulu­ngan ang NLEX Road War­riors sa 75-66 pana­lo sa Fruitas sa PBA D-League Foundation Cup ka­hapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Ang dating manlalaro ng Jose Rizal University na kinuha ng Road Warriors sa off-season ay tumipa ng 16 puntos ka­sama ang apat na tres sa se­cond half.

Ang mga tres na ito ay ginawa ni Villarias matapos hawakan ng Shakers ang 53-46.

Dahil sa biglang pag-iinit, ang tropa ni coach Boyet Fernandez ay lumamang sa 64-53 sa kaagahan ng huling yugto.

May tig-10 marka sina Nico Salva at Matt Ga­nue­las para sa NLEX.

Pinaigting din ng Big Chill at Cagayan Valley ang paghahabol para sa pu­westo sa quarterfinals nang kalusin ang mga tal­sik nang Hog’s Breath at In­formatics, ayon sa pag­ka­kasunod.

May 22 puntos si Ping Eximiniano,  habang 15 ang naibigay ni Adrian Ce­lada para bitbitin ang Ri­sing Suns sa 79-68 pa­nalo sa Razorbacks.

Hindi nagpahuli ang Su­­perchargers na dinurog naman ang Icons, 92-63, pa­ra pantayan ang 4-4 kar­ta ng Cagayan Valley at ang pahingang Cebuana Lhuillier.

ADRIAN CE BIG CHILL BOYET FERNANDEZ BYRON VIL CAGAYAN VALLEY CEBUANA LHUILLIER D-LEAGUE FOUNDATION CUP JOSE RIZAL UNIVERSITY SHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with