Bobby Parks namatay dahil sa kanser
RCadayona (Pang-masa) - March 31, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tuluyan nang iginupo ng kanyang sakit na kanser si seven-time PBA Best Import awardee Bobby Parks, Sr. ka­hapon.

Si Parks, dating head coach ng San Miguel Beermen sa Asean Bas­ket­ball League, ay 51-anyos.

Nauna nang nakitaan ng laryngeal cancer si Parks noong nakaraang taon bago ito lumala nitong Peb­­re­ro.

Inihayag ng kanyang pamilya ang paglisan ni Parks ganap na alas-4:55 ng hapon sa San Juan De Dios Hospital.

Isa sa mga nalungkot sa pagkama­tay ni Parks, ang anak na si Bobby Ray ay isang UAAP MVP awardee pa­ra sa National University Bulldogs, ay si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes.

Idinaan ni Reyes ang kanyang pakiki­dalamhati sa pamamagitan ng kanyang Twi­tter account.

“More than his 7 Best Import Awards Bobby brought in an un import-like work ethic, in contrast to d ‘pa-star’ ways of most imports then & now,” wika ni Re­yes sa 6-foot-4 na si Parks.

Iminungkahi din ni Reyes kay PBA Com­missioner Chito Salud na tawaging ‘Bobby Parks Trophy’ ang Best Import award.

“In response to twitter clamor, My text to Com Salud: ‘Maybe d PBA can name d Best Import Award as d “Bobby Parks Trophy”, ani Reyes.

ASEAN BAS BEST IMPORT BEST IMPORT AWARD BEST IMPORT AWARDS BOBBY BOBBY PARKS BOBBY PARKS TROPHY BOBBY RAY PARKS REYES SHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with