_pang-masa
^

Money King nagpakita ng lakas

AT (Pang-masa) - February 3, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Naipamalas ng Money King ang angking lakas sa pagtakbo para masama sa mga liyamadong kabayo na nanaig sa pagbubukas ng pista sa buwan ng Peb­rero noong Biyernes sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Nalagay ng anim na di­pang layo sa Hyena sa hu­­ling kurbada, nag-init ang Money King pa­ra tu­hugin ang tatlong na­u­unang kabayo.

Idinaan pa ni Dilema ang kabayo sa gitna ng Hyena at Mr. Tatler para ma­kuha ang unang puwesto at manalo ng dalawang dipa sa naghabol na Mr. Tatler na ginabayan.

Naghatid ng P9.50 ang win ng Money King, habang nadehado pa ang Mr. Tatler para kumabig ang mga nanalo sa 1-3 forecast ng P34.00 dibidendo.

Pinakaliyamadong ka­bayo na nagpasikat ay ang My Queen para mapawi ang pagkakalapag sa ma­hinang pang-anim na pu­westo noong Enero 20 sa pag­diskarte ni CV Garganta.

Nasa tatlong dipa ang la­yo ng panalo ng My Queen sa  Hurricane Alley para sa P5.00 dibiden­do sa win at P13.00 sa forecast.

Nakabalik din sa pagpapanalo ang Forever Young na siya ring long shot na nanalo sa gabi sa ba­kuran ng Manila Joc­key Club Inc.

Nagkamit ng P54.00 di­bidendo ang nanalig sa Forever Young, habang P166.50 ang 3-6 forecast. 

 

CLUB INC FOREVER YOUNG HURRICANE ALLEY MANILA JOC MONEY KING MR. TATLER MY QUEEN SAN LAZARO LEISURE PARK SHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with