Oktubre 16, 2019
TAROT GABAY - Madam Rosa (Pang-masa) - October 16, 2019 - 12:00am

AKIT SUWERTE: May dalawang subconscious process ang Universal mind litaw na kamalayan at tagong kamalayan kung saan nagmumula ang lahat ng kaganapan at lahat na event.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Tarot Symbol: 6 of Swords – Maaakit mo ang iyong perfect life partner sa pamamagitan ng pagpa-practice ng oracion meditation. Suwerte sa kulay scarlet red. Lucky numbers ay 35, 21, 53, 11 at 46. Tumaya sa lotto bandang 3:33 pm.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) Tarot Symbol: 6 of Coins – Pasalamatan at purihin ang Diyos. Tuluy-tuloy na biyaya ang dadaloy sa iyo. Best medicine parin ang tawa. Suwerte sa kulay electric blue. Lucky numbers ay 22, 31, 16, 43 at 55. Tumaya sa lotto bandang 8:41 am.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Tarot Symbol: St. Joan of Swords – Mala­kas ang iyong influence sa political situation. Magiging winner ka sa lahat. Suwerte sa kulay mango orange. Lucky numbers ay 27, 15, 55, 33 at 43. Tumaya sa lotto bandang 9:43 am.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Tarot Symbol: 3 of Coins – Bigyang halaga ang mga bagay na hindi na babalik. Huwag saya­ngin ang opportunity, virginity at masasayang moment sa buhay mo. Suwerte sa kulay green. Lucky numbers ay 25, 17, 46, 31 at 53. Tumaya sa lotto bandang 3:41 pm.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) Tarot Symbol: 4 of Swords – Sagutin ang mga tanong sa social media. Huwag magreklamo sa paglabag ng private life. Pinili mo ‘yan. Suwerte sa kulay mustard yellow. Lucky numbers ay 37, 15, 45, 55 at 23. Tumaya sa lotto bandang 9:46 am.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Tarot Symbol: St Constantine the emperor – Unahin ang Diyos sa lahat ng Gawain. Dadaloy sa buhay ang infinite na biyaya. Suwerte sa kulay strawberry red. Lucky numbers ay 25, 31, 11, 55 at 47. Tumaya sa lotto bandang 3:33 pm.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) Tarot Symbol: St. Patrick King of Staff – Tanggap ka sa work abroad. Ayusin ang travel documents dahil baka may mali sa mga mahalagang dokumento. Suwerte sa kulay mango orange. Lucky numbers ay 16, 35, 25, 53 at 45. Tumaya sa lotto bandang 2:23 pm

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) Tarot Symbol: 10 of Coins – Tatlong work ang pagsasabay-sabayin mo upang matugunan ang lahat ng bills. Suwerte sa kulay pine green. Lucky numbers ay 13, 26, 33, 41 at 57. Tumaya sa lotto bandang 1:19 pm.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Tarot Symbol: St. Jude King of Coins – Mananatili ka sa iyong financial adviser. God send ka sa kapwa mo. Suwerte sa kulay cobalt blue. Lucky numbers ay 35, 23, 49, 15 at 52. Tumaya sa lotto bandang 10:17 am.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Tarot Symbol: St. Mary the Moon – Kumpleto na ang bayad sa iyong financial contract. Matutuloy ang travel. Suwerte sa kulay dusty pink. Lucky numbers ay 37, 26, 13, 51 at 11. Tumaya sa lotto bandang 2:23 pm.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Tarot Symbol: 8 of Coins – Huwag magnegosyo ng 5/6 dahil health karma ang maranasan mo. Ipagpatuloy ang pag-iikapu upang maiwasan ang negative effect ng karma. Suwerte sa kulay satin white. Lucky numbers ay 16, 27, 53, 45 at 33. Tumaya sa lotto bandang 9:13 am.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Tarot Symbol: 7 of Coins – Mag agabay sa psychic sa decision sa pag-a-abroad. Alagaan ang health. Suwerte sa kulay cyan blue. Lucky numbers ay 26, 41, 16, 35 at 53. Tumaya sa lotto bandang 11:27 am.

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with