Agosto 18, 2019
TAROT GABAY - Madam Rosa (Pang-masa) - August 18, 2019 - 12:00am

AKIT SUWERTE: Ang future ay dapat isipin ngayon kung nais maging master ng tadhana. Ang pagkontrol sa isip, salita at damdamin ay magagawa sa paraan ng oracion meditation imagination at affirmation.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Tarot Symbol: Initiate – Suriin ang fraternity na sasalihan. Tingnan kung mayroong hazing. Huwag isubo ang sarili dahil manganganib ang buhay mo. Suwerte sa kulay cotton white. Lucky numbers ay 17, 31, 49, 23 at 55. Tumaya sa lotto bandang 2:29 pm.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Tarot Symbol: 6 of Sphere – Mahalaga ang feng shui upang lalong lumago ang negosyo. Ang regular na ikapu ang magpapa-stabilize ng income mo. Suwerte sa kulay ice blue. Lucky numbers ay 15, 41, 27, 51 at 35. Tumaya sa lotto bandang 8:40 am.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Tarot Symbol: The Papess – Mas matatag lalo ang iyong L.D.R kung mahalaga mo. Pasalamatan ang spirit of the rose love spell. Suwerte sa kulay lavender. Lucky numbers ay 23, 51, 35, 15 at 15. Tumaya sa lotto bandang 4:15 pm.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) Tarot Symbol:  9 of Suns – Mayroong matutuklasang kulam. Magpa-consult sa spiritista upang maibalik ito sa pinagmulan. Mahalin ang kagalit. Suwerte sa kulay violet. Lucky numbers ay 13, 21, 43, 57 at 33. Tumaya sa lotto bandang 9:46 am.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Tarot Symbol: 5 of Stars – Darating ang true love mula sa abroad at mayroong marriage proposal. Aralin ang principle of acceptance at suriin kung wagas ang pagtanggap sa iyo. Suwerte sa kulay ube purple. Lucky numbers ay 23, 15, 43, 53 at 35. Tumaya sa lotto bandang 3:41 pm.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Tarot Symbol: Ace of Sphere – Ayusin ang document sa mana. Matutuloy ang travel. Mag-ikapu upang maging stable ang income. Suwerte sa kulay vanilla brown. Lucky numbers ay 51, 15, 49, 38 at 21. Tumaya sa lotto bandang 10:30 am.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) Tarot Symbol: Judgement – Magkakaroon ng love life. Magkakasundo ng mga anak mo ang iyong love. Alagaan ang health. Suwerte sa kulay marigold yellow. Lucky numbers ay 13, 51, 24, 21 at 42. Tumaya sa lotto bandang 2:22 pm.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Tarot Symbol: Fortunes wheel – Tatanggap ng money mula sa abroad. Mayroong darating na bisita na makulit. Alagaan ang health. Suwerte sa kulay jade green. Lucky numbers ay 15, 53, 26, 31, at 43. Tumaya sa lotto bandang 3:35 pm.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) Tarot Symbol: 9 of Moons – Tatanggap ng paranggal mula sa pagiging volunteer na bumbero. Ingatan ang ATM card. Suwerte sa kulay caramel brown. Lucky numbers ay 17, 37, 21, 18 at 55. Tumaya sa lotto bandang 11:12 am.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) Tarot Symbol: 2 of Suns – Magiging business investor ang social connection ngayon. Huwag dalhin ang credit card sa shopping mall. Magpa-medical check-up. Suwerte sa kulay violet. Lucky numbers ay 49, 23, 11, 31 at 53. Tumaya sa lotto bandang 4:45 pm.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Tarot Symbol: 7 of Sphere  – Makikita ang taong nagnakaw ng salapi sa iyo. Magkakaroon ng kasunduan na maibalik sa iyo ng hulugan. Suwerte sa kulay mango orange. Lucky numbers ay 35, 43, 11, 25 at 53. Tumaya sa lotto bandang 9:12 am.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Tarot Symbol: Cardinal. – Magkakaroon ng increase sa sahod. Magta-travel ka kaugnay sa bagong job assignments. Magulo ang isip dahil sa sari-saring opinion. Suwerte sa kulay electric blue. Lucky numbers ay 41, 55, 11, 21 at 33. Tumaya sa lotto bandang 3:33 pm.

TAROT GABAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with