Paano nilalabanan ng Singapore ang coronavirus?
(Pang-masa) - March 18, 2020 - 12:00am

As of March 16, may 109- katao na ang nakarekober sa COVID-19 sa bansang Singapore, 134 ang kumpirmado at nasa ospital.

Sinasabing ang Singapore ang may pinakaepektibong paraan ng paglaban sa coronavirus.

Bagama’t malaki ang koneksiyon ng Singapore sa China dahil maraming Chinese ang naninirahan dito, nagawa nilang ma-contain ang mapaminsalang virus.

Maraming drastic measure ang ipinatupad ng kanilang gobyerno para pigilan ang pagkalat ng virus.

Ang lahat ng pumapasok by land, by air, at by sea ay dumadaan sa temperature check.

Nagpatupad ng malawakang sanitation sa pamamagitan ng paglilinis sa mga public areas, bus at play grounds.

Maaga nilang sinuspindi ang mga activities sa eskuwelahan at pinagbawalan nila ang mga kumpanya sa pagdaraos ng malalaking pagtitipon. 

At ang pinakamahalagang bagay na ginawa nila ay epektibo nilang  ina-isolate ang infection, tina-track down at kinukuwestiyon nang maigi kung sino ang kanilang mga nakasalamuha, nagpapataw ng mabigat na penalties kapag hindi sinunod ang quarantine, o pagbibigay ng maling impormasyon.

 Ginamit din nila ang mga friendly news outlets at social media para himukin ang publiko na maging vigilant at iwasang mag-panic.

Kapag may nakumpirmang may virus, dinadala agad ito sa ospital, ina-isolate at lahat ng nakasalamuha nito ay tsini-check.

Mayroon din silang website na ginawa na naglalaman ng mga komprehensibong  impormasyon ng mga COVID-19 patients.

Kasabay nito, ginamit ng gobyerno ang kanilang mga sundalo para mag-repack ng mga face mask na ipinamigay nila ng libre sa mga mamamayan.

Mahigpit ding ipinagbawal ang pagtataas ng presyo ng mga basic commodities na panlaban sa Covid-19.

Ang sistemang ito ay epektibo sa 5.6 milyon na populasyon ng Singapore dahil lahat ay sumusunod dahil tiwala ang lahat sa gobyerno.

Sana lang ay may kakayahan tayong gawin ito rito sa Pilipinas. (source: latimes.com.gov.sgnasdaily) – Carmela Balbeuna Villena

SINGAPORE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with