^

Empleyado biktima ng fake news

IDAING MO KAY VANEZZA (Pang-masa) - March 17, 2020 - 12:00am

Dear Vanezza,

Ang kapatid ko ay isang nurse na nagkataon na namatay ang pasyente niya na may kasong COVID-19. Nalaman ko na lamang na namatay ang pasyente niya nang nasa opisina na ako. Agad akong pinauwi ng nurse namin nang sinabi ko ang sitwasyon. Nagkataon din na magkasama kami sa iisang opisina ng BF ko na magkaiba lang ng department, pero hindi pa naman kami nagkikita at never pa siyang pumunta sa bahay namin bago mangyari ang tungkol sa pasyente ng ate ko. Pati siya ay damay sa 14 days na quarantine kahit wala kaming physical na contact na nagkita o nag-usap nang harapan. Ang malas dahil hindi pa regular ang BF ko  kaya wala siyang makukuhang suweldo sa loob ng 14 days. Ang masakit ay biktima lang ng fake news ang BF ko at pati ang ate ko na sinasabing siya na raw ang may COVID-19.  Na-stress ako sa nangyayari. May habol pa po ba sa labor ang BF ko dahil wala siyang suweldo at biktima rin ng fake news. Ano po ang gagawin ko? – Jas

Dear Jas,

Puwedeng makipag-ugnay muna sa inyong HR department patungkol sa kaso ng inyong BF dahil unfair ang trato sa kanya na hindi muna sinigurado ang totoong sitwasyon. Maaaring  nagsisiguro rin ang inyong opisina dahil mahirap na ang puwedeng mangyari. Kung walang nangyari sa maling trato sa iyong BF ay magtanong sa DOLE ng dapat na puwedeng gawin.

Sumasainyo,

Vanezza

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with