Lalaki umiinom ng ihi ng mga bata para hindi tumanda!
GRABE NA ‘TO (Pang-masa) - February 26, 2020 - 12:00am

Umamin ang isang lalaki na umiinom siya diumano ng urine o ihi para mapanatili ang kanyang kabataan. At hindi lang basta ihi, kung hindi ihi ng mga menor de edad.

Tampok si Robert Wells sa documentary na My Strange Criminal Addiction sa Investigation Discovery. Ayon sa kanya, ginagamit daw niya ang kanyang skills para makakolekta ng mga fresh na ihi.

Naglalagay raw si Wells ng maliit na plastic kung saan may tube raw na nakakonekta na diretso na sa kanya.

“I wanted to get a fresher batch of urine as opposed to it laying in a cup getting stale; as fresh as possible so it didn’t have time to decompose,” ani Wells.

Alam daw niyang may kakaiba na sa kanya, pero ipinagsasawalang bahala niya ito dahil sa tingin niya ay tama lang ang kanyang ginagawa.

“In the back of my mind I knew I was doing something that was not morally correct, but I ignored that in lieu of my desire to collect it and to consume it.”

Ayon naman kay Dr. Mike Down, isang addiction specialist, hindi naman daw pedophile si Wells, meron lamang siyang dillusional belief, at iyon nga ang kanyang paniniwalang nakakabata ang urine ng mga bata.

“That being said, Robert collecting the urine could be very traumatising to the children if they knew what he was doing,” paliwanag ni Dr. Down.

Hindi titigil si Wells hangga’t hindi siya nahuhuli sa kanyang ginagawa, hanggang sa isang araw, nabisto siya ng isang nanay at agad siyang ipinaaresto.

Nakasuhan siya bilang isang sex offender at nakulong ng limang taon.

ROBERT WELLS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with