Gift of time ng mag-asawa
(Pang-masa) - February 26, 2020 - 12:00am

Minsan ay binigyan ng regalo ni misis ang asawa ng mga nakasalansan na T-shirt na tinutupi ni mister habang natatawa. Hindi lang ito ordinaryong T-shirt, kundi naka-print ang mga hugot lines o pictures mula sa pinapanood na TV shows at movies habang sila ay magkasama.

Ang anak nilang lalaki ay baby pa, habang girl scout ang anak nilang babae na busy rin sa mga school activities pagkatapos ng klase. Kaya hindi posible ang date night dahil sa mga nakakalokong schedule at buhay mag-asawa.

Pagkatapos patulugin ang mga bata ay pagod na lang na hihiga sa kama para manood ng TV. Pagod na para lumakad, mag-usap, tumawa, o umiyak. Parehong shock at pagod na nararamdaman ang  tensyon ng emosyon at karanasan tuwing iiwan ang couch.

Pero kung tatanungin ay mas na­ging matibay pa ang pagsasama ng mag-asawa. Kahit minsan na iniisip ang marriage ay dapat puno ng pag-uusap at romantic gestures. Kung ganun nga ay posibleng mayroong hindi tama sa kanilang set-up. Okey naman ang mga nasabing ideas na minsan ay nangyayari sa dalawa. Pero ang best times sa kanilang marriage ay kung kailan sila komportableng wala talagang ginagawa, ngunit magkasama na walang pinagkakaabalahan.

Hindi sa bawat oras ay napapayagan na mabigyan ng pagkakataon na manood ng TV, magkayakap, at nagtatawanan. Kung nasa ganitong punto ang marriage ay bakit hindi ito namnamin at yakapin. Yung tipong rest day lang kasama ang asawa.

Ang connection ay hindi kailangang maging komplikado. Sa halip ay mag­hagilap ng pagkakaabalahan na ka-partner at ka-share ang asawa na walang dagdag na pressure. Simpleng nanonood ng paboritong palabas, naglalaro ng board games, at

kahit window shopping lang. Gawing light lang kuwentuhan at i-enjoy lang gift of time na magkasama.

SCHOOL ACTIVITIES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with